Pinoy jins sumipa ng 10 medalya
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Sumipa ang national taekwondo jins ng dalawang ginto, dalawang pilak at anim na tansong medalya sa 2021 World Taekwondo Asia Poomsae Open Championships na ginanap via online.
Nanguna sa kampanya ng Pinoy squad sina June Ninobla at Cyd Edryc Esmaña na nakahirit ng ginto sa kani-kanyang kategorya.
Nasungkit ni Ninobla ang korona sa men’s under-60 category matapos magtala ng 7.430 puntos para talunin sina silver medalist Liao Yun-Cheng ng Chinese Taipei (7.090) at bronze winners Ill Joong Yang ng Australia (6.940) at Balram Yadav ng India (6.770).
Nakatanso rin si Ninobla kasama ang anak nitong si Jocel Lyn sa family pair category mula sa nakuha nitong 7.790 puntos.
Humirit naman ng ginto si Esmana sa men’s cadet individual category kung saan nakakuha ito ng 7.680 puntos.
Galing naman ang pilak sa magkapatid na Vincent at Paul Rodriguez sa family pair category tangan ang 7.850 puntos — kapos lamang ng 0.030 puntos mula kina gold medalists Nur Humaira Abdul Karim at Nurul Hidayah Abdul Karim ng Malaysia.
Nakapilak din si Shellah Agman sa female individual Children 1 class bitbit ang iskor na 6.920.
Ang iba pang tanso ay mula kina Nikki Oliva (female individual freestyle), Rodolfo Reyes Jr. (male individual under-30), Angelica Joyce Gaw (female individual under-30), at kina Julianna Martha Uy at Acey Kiana Oglayon (female individual cadet).
-
7 ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA
PITONG hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder, Jimmyboy Yumul, 38, Noel Villafranca, 33, Fortfred […]
-
QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras
ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras. Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]
-
Pagunsan, Delos Santos Que lalagare pa sa JPG
SAMA-SAMANG humataw sina Juvic Pagunsan, Angelo at at Justin Delos Santos sa pagsambulat ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture nitong Huwebes, Abril 29. Makikipagrambulan ang tatlong bala ng ‘Pinas sa titulo kaharap ang 102 […]