Pinoy na walang trabaho bumaba sa 1.6-M, kaso job quality bumaba
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
BAGAMA’T lumiit ang unemployment rate, tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho (underemployment rate).
Ayon sa December 2023 Labor Force Survey na inilabas ngayong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba patungong 3.1% ang unemployment rate — mas mababa sa 3.6% noong Nobyembre 2023.
“In terms of magnitude, the number of unemployed individuals in December 2023 was estimated at 1.60 million,” sabi ng PSA.
“This was lower than the reported number of unemployed persons in December 2022 of 2.22 million and in November 2023 of 1.83 million.”
Narito ang ilang mahahalagang numero mula sa pinakabagong ulat ng PSA:
unemployment rate: 3.1%
walang trabaho: 1.6 milyon
employment rate: 96.9%
merong trabaho: 50.52 milyon
underemployment rate: 11.9%
underemployed: 6.01 milyon
labor force participation rate: 66.6%
Kapansin-pansing mas mataas ang underemployment rate nitong Disyembre kumpara sa 11.7% noong Nobyembre.
Kadalasang naghahanap ng dagdag na trabaho ang mga empleyado o manggagawa tuwing hindi sapat ang kanyang sine-sweldo, dahilan para kumuha ng dagdag na trabaho.
“Wage and salary workers continued to account for the largest share of employed persons with 62.7 percent of the total employed persons in December 2023,” dagdag ng PSA.
“This was followed by self-employed persons without any aid employee at 27.4 percent and unpaid family workers at 7.8 percent. Employers in own family-operated farm or business had the lowest share of 2.1 percent.”
Inilabas ang naturang labor force survey isang araw matapos ibalitang bumagsak sa 2.8% ang inflation rate nitong Enero dahil diumano sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain.
-
Big fan siya ng aktres at ng ‘Pulang Araw’: ZSA ZSA, kabilang sa nalungkot sa paghihiwalay nina BARBIE at JAK
KABILANG pala si Zsa Zsa Padilla sa nalungkot nang i-announce ni Barbie Forteza na hiwalay na sila ni Jak Roberto. Big fan kasi ni Barbie ang Divine Diva at pinapanood pala nito ang GMA Prime wartime family drama na ‘Pulang Araw.’ Paborito niya ang character ni Barbie na si Adelina dela Cruz. Sa katunayan nga, […]
-
PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022
TATAAS na sa darating na buwan ng Hunyo ang kontribusyon sa PhilHealth. Ayon sa Philhealth, mula sa kasalukuyang 3% ay tataas na sa 4% ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan. Alinsunod ito sa Universal Health Care Law. Sinasabing, sa susunod na […]
-
George Clooney Reveals Why He’s Not Reprising ‘Batman’ In ’The Flash’
ANDY Muschietti’s upcoming DCEU standalone film, The Flash is in the final stretch of production. While plot specifics are still being kept under wraps, don’t expect Batman & Robin‘s iteration of Bruce Wayne in the project, as George Clooney has now confirmed that he’s not involved in the much-anticipated blockbuster. Starring Ezra Miller […]