• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture

PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas.

 

 

Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa.

 

 

Saklaw nito ang nasa 84,677 ektarya ng mga agricultural area sa iba’t ibang rehiyon na sinalanta ng bagyong Paeng kabilang na ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.

 

 

Iniulat din ng naturang ahensya na umabot na rin sa 83,704 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit lubhang apektado rin ngayon ang bilihin sa bansa kabilang na ang palay, mais, high-value crops, palaisdaan, livestock, at poultry.

 

 

Habang nasira rin ang ilang agricultural infrastructure, machinery, at equipment.

 

 

Samantala, sa kabilang banda naman ay tiniyak ng kagawaran na sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

 

 

Kabilang sa mga tulong na ipinapaabot sa kanila ay ang Php1.74 billion na halaga ng butong palay, Php11.57 million na halaga ng corn seeds, at Php20.01 million na halaga ng iba’t ibang binhi ng gulay.

Other News
  • Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

    Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.     Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.   […]

  • DEL ROSARIO BIDA NG FLORIDA GOLF

    TINAKPAN ni Pauline Beatriz Del Rosario ng apat na birdie ang isang double bogey at apat ding bogey para pamayagpagan ng isang palo ang 2022 East Coast Women’s Pro Golf Tour Leg 4 $60K Mayfair Country Club Women’s Championship sa MCC sa Sanford, Florida nitong Huwebes.     Kinasahan ng 23-taong-gulang at tubong Las Piña […]

  • SHARON, nag-react sa ‘fake news’ na pinagkakakitaan ng mga vloggers sa YouTube

    SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, inamin na nagkakaroon pa rin siya ng sleepless night, na malamang dahil din sa stress.     Klinaro rin ni Mega na hindi lang siya nagbabakasyon sa Amerika, dahil nagtatrabaho rin siya.     Post niya, “Another sunrise after a night of no sleep…Is this still jetlag? […]