Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19.
Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.
Kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 si Fr. Pascual sa Cardinal Santos Medical Center habang naka-quarantine naman ang mga kawani ng Caritas Manila na nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Matatandaang sa pamumuno ni Fr Pascual, naging aktibo ng Caritas Manila sa pagtugon sa mga pangangailangan dulot ng COVID-19 sa pamamgitan ng pamamahagi ng COVID-19 kits, 1.5-bilyong pisong “Gift Certificates” at Caritas Manna packs sa 9.8-milyong indibidwal.
-
Ginebra tinuldukan na ang dalawang sunod na talo matapos talunin ang Aces 87-81
TINULDUKAN na ng Barangay Ginebra ang dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Alaska 87-81. Bumida sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 31 points. Nakagawa naman ng tig- 14 points sina Japeth Aguilar at Aljon Mariano. Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Aces ay […]
-
PBBM, itinalaga si Taw Lawyer Romeo Lumagui Jr. bilang BIR Commissioner
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Romeo Lumagui Jr. bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Si Lumagui, isang tax lawyer ay nanumpa sa kanyang tungkulin, araw ng Martes, Nobyembre 15. Bago pa itinalaga si Lumagui sa kanyang posisyon ngayon ay nagsilbi muna siya bilang deputy commissioner ng […]
-
Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Marso
MAGPAPATUPAD din ng taas singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Marso. Batay sa paabiso ng Meralco, nabatid na aabot sa P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing. Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas dapat na P0.80- […]