PIOLO, todo-todo ang pasasalamat sa ABS-CBN matapos na mag-renew ng kontrata; never na
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
TODO-TODO ang pasasalamat ni Piolo Pascual sa ABS-CBN matapos na siya ay mag-renew ng kontrata sa network.
Matagal din naman naging Kapamilya ang award-winning actor at karamihan sa mga magagandang shows at movies niya ay under ABS-CBN at Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN.
Pero bakit hindi man ang nabanggit na once upon a time, noong siya ay teenager pa lamang, ay naging Kapuso talent din siya.
He was a former mainstay of That’s Entertainment at PJ Pascual pa ang name niya that time.
Pero hindi siya masyadong sumikat that time until he went to the States. Pagbalik niya ay Piolo Pascual na siya at sa ABS-CBN na naging contract star.
Nevertheless, he remains one of the most popular and competent actors of his generation.
***
SABI ng baguhang si Christine Bermas, willing siyang gawin kahit na ano sa launching film niya na Moonlight Butterfly to be produced by 3:16 Entertainment Productions.
Excited pero kabado ang dalaga na tubong Puerto Princesa, Palawan pero sa Maynila na lumaki. Lagi raw niyang binabasa ang script para ma-imbibe niya ang role bilang isang GRO na na-involve sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig.
Hindi pa raw sinasabi ni Christine sa parents niya na daring ang kanyang role sa Moonlight Butterfly pero may tiwala naman siya kay Direk Joel Lamangan, na alam niyang hindi siya pababayaan.
Alam ni Christine na challenging ang kanyang role pero naniniwala siya na sa tulong ng kanyang mahusay na director ay magagampanan niya ang role niya nang mahusay.
Tatlo ang leading men ni Christine sa movie sina Albie Casino, Kit Thompson at Ivan Carapiet.
Nakatrabaho na raw ni Direk Joel si Christine at bilib siya sa husay nito kahit na ito’y baguhan pa lang.
Kaya naniniwala si Direk Joel na kaya ni Christine ang role niya sa Moonlight Butterfly.
(RICKY CALDERON)
-
Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide
Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena. Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal. Ito ay isang […]
-
Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra
LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan. Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]
-
Miss na miss nang mag-shooting kasama sina Alden: SHARON, pinagpapahinga ng doctor at bawal munang magsalita
ILANG araw na ngang masama ang pakiramdam ni Megastar Sharon Cuneta kaya natigil muna siya pagsho-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards, na pasok nga sa eight entries sa Metro Manila Film Festival 2023. Sa Instagram post ni Sharon, pinagpapahinga nga siya ng doktor at hangga’t kaya ay bawal muna siyang magsalita. […]