• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.

 

 

Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at pagtatapos ng kanyang anim na taong termino.

 

 

“Salamat, and it has been a very exhilarating atmosphere, joining with you in government. Salamat. Magkita-kita pa rin tayo,” sabi ni Duterte sa recorded meeting niya na inere kahapon.

 

 

“Yung cabinet, there may be the last meeting just to say hello and goodbye. Salamat po,” dagdag niya.

 

 

Nauna na rin sinabi ng Pangulo na naghahanda na siya sa pagbaba sa puwesto para madali ang transition ng susunod na Pangulo matapos ang eleksyon. (Daris Jose)

Other News
  • Oras ng operasyon ng malls, binago – MMDA

    TULUYAN nang binago ang oras ng operasyon sa mga shopping malls sa Metro Manila nang itakda ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Ito ang napagkasunduan  ng MMDA at mga mall owners at operators na mag-uum­pisa sa Nobyembre 14, 2022 at magtatapos hanggang Enero […]

  • ‘I apologize’: Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy

    Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata.     Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas).     “I am very disappointed that I […]

  • Presyo ng bigas, hindi aabot ng P60 hanggang P65.00 kada kilo – DA

    NANINIWALA ang Kagawaran ng Pagsasaka na hindi aabot sa P65 ang kada kilo ng bigas sa mga merkado sa buong bansa.     Sagot ito ng Kagawaran sa una nang inilabas na projection ng Federation of Free Farmers na posibleng papalo sa ganitong halaga ang presyo ng bigas dahil na rin sa patuloy na pagtaas […]