Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero.
Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang alisin ng mga drivers at operators ang mga naturang plastic barrier sa kanilang pamasadang sasakyan dahil wala namang medical findings na nagsasaad na epektibo ito para maiwasan ang hawaan ng virus sa mga pasahero.
Maaari pa nga raw panggalingan ng virus ang mga nakakabit na plastic barrier.
“Drivers and operators can already remove them because there are no medical findings, based on our studies, that they can prevent the spread of COVID-19. Instead, the virus could stick to them,” pahayag pa ni Pastor sa isang pulong balitaan kamakailan.
Sa kabila naman nito, sinabi ng opisyal na dapat pa ring istriktong ipatupad ang umiiral na health safety standards sa lahat ng pampublikong transportasyon para maiwasan ang transmission ng COVID-19.
Matatandaang noong Hulyo 3, 2020 ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagbiyahe ng mga jeepney at mga bus ngunit inatasan ang mga driver na maglagay ng plastic barriers upang hindi magkadikit-dikit ang mga pasahero. (Gene Adsuara)
-
Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B
PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima […]
-
60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID
TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng […]
-
Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon
LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority. Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno. “Unemployment rate in January 2023 was […]