• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS

KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.

 

 

Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo.

 

 

Ayon sa alkalde, direktang apektado ang mga lungsod ng plastic crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.

 

 

Inihayag din ni Belmonte ang mga programa ng Quezon City sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC, pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel, at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.

 

 

Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.

 

 

Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa ibat-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Kobe Paras kinunsinte ng UP

    Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan  ang kanilang star player na si  Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.   Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons […]

  • Bilang pagkilala na Living Legend-Outstanding Filipino: SUSAN, pinagkalooban ng Philippine Postal Corporation ng isang special portrait

    PINAGKALOOB ng Philippine Postal Corporation ang isang espesyal na portrait para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang pagkilala sa kanya na Living Legend-Outstanding Filipino.       Tinanggap ni Senator Grace Poe ang portrait ng kanyang ina mula sa mga opisyal ng PHLPost at nagpasalamat ito sa pagkilala sa kanyang […]

  • Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike

    MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.       Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila […]