‘Player na ayaw magpabakuna palayasin sa team’ – NBA great Kareem Abdul-Jabbar
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
Dumarami umano ang mga players at NBA personnel ang naaalarma habang nalalapit ang pormal na pagbubukas ng bagong season dahil marami pa ring mga players ang ayaw pa ring magpabakuna.
Bukas ay magsisimula na rin ang training camp at nasa 90% umano ng mga NBA players ang bakunado na laban sa COVID-19.
Gayun man umugong ang tensiyon sa loob ng liga matapos na lumutang ang impormasyon na nasa 40 pa ang mga players na hindi pa nagpa-vaccine.
Sa ngayon kasi walang mandato na pinalalabas ang NBA na requirement ang pagsasailalim sa bakuna.
Umiiwas din ang NBA players association na pag-usapan ito sa negosasyon.
Ilang mga coach, players at staff na hindi nagpakilala ang nagpaabot umano ng kanilang pagkabahala dahil ang hindi mga bakunado na players ay baka magdulot ng peligro hindi lamang sa kanila kundi maging sa kanilang mga pamilya.
Ilan sa mga NBA superstar na lantarang inamin na ayaw nilang magpabakuna ay sina Brooklyn Nets guard Kyrie Irving, Washington Wizards star Bradley Beal at si Warriors player Andrew Wiggins.
Una nang binulabog ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar ang NBA matapos siyang manawagan na dapat palayasin sa team ang player na ayaw magpabakuna.
-
Psalm 5:3
O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch
-
Ads March 14, 2022
-
Duterte naiinip na sa bakuna
Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno. […]