• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PLM PINURI KALIDAD NG PAGTUTURO, 195 TAKERS PASADO SA 2023 NLE

SA PANGUNGUNA ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang resolusyong nagbibigay papuri sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos pumasa ang lahat ng kanilang estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Exam (NLE) na nalagpasan ang dating 74.94% na passing rate.

 

 

Sa naturang resolusyon na sama-samang iniakda nina Councilors Pamela “Fa” Fugoso, Irma Alfonso-Juson, Louie Chua, at Ernesto “Jong” Isip. Jr., nagkaisa silang purihin ang 195 na nagtapos ng nursing sa pamantasan matapos lahat ay pumasa sa 2023 NLE kung saan 15 sa kanila ang napasama pa sa listahan ng mga topnotchers.

 

 

Ang 15 sa mga kabilang sa listahan ng mga topnotchers ay sina Miyu Krista Cuyson Miura na nakakuha ng 3rd place; Karl Russel Abuyo Acuna, 5th place; Pamella Metucua Cordero, 6th place; Dan Precioso Gonzales Cruz, 7th place; Sharmaine Anne Velilla Enriquez, Alexandra Cathlene Infante Pineda, Michaella Valenzuela Umlas na nasa 8th place; Kyla Tolentino Abrencillo, Angelo Jose Mejillano Molina, Jemiline Pascua Olbocm, Shee Ann Mae Doctor Pagasian sa 9th place; at Jed Andrew Stephen Yap Milag, Natasha Mae Basilia Jacinto, Mary Joyce Diane Villotica Lim, at Angelika Arandela Ocampo sa 10th place.

 

 

Dahil na rin sa huwarang pagganap, ginawaran ng Professional Regulation Commission (PRC) ang PLM bilang isa sa “Top Performing School” ngayong taon sa NLE.

 

 

Mabilis namang inaprubahan ng lahat ng miyembro ng Sanggunian ang resolusyon habang tangan pa ni Vice Mayor Nieto ang gavel.

 

 

“With [the] utmost support from Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, PLM continues to shine as one of the premier universities in the country,” pahayag ni VM Nieto.

 

 

Ang PLM ay isang pamantasang may sariling awtonomiya na pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na naghahandog na libreng matrikula sa mga matalino at kuwalipikadong estudyante mula sa buong bansa.  (Leslie Alinsunurin)

Other News
  • VP Sara, wala pang kapalit bilang Kalihim ng DepEd-Garafil

    WALA pa ring napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).     Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na wala pang maitalaga si Pangulong Marcos na tatayong officer-in-charge (OIC) na […]

  • US bibili ng 500-M doses ng bakuna laban sa COVID-19 para ipamahagi sa mga bansa

    Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon.     Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.   Ang hakbang ay kasunod na pressure […]

  • Biden on Putin: ‘For God’s sake, this man cannot remain in power’

    BINALAAN  ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization).     Sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang. […]