• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.

 

 

Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.

 

 

Sa unang tatlong swab test ni Sinas nuong March 3, March 6 at March 9 ay negatibo ang resulta.

 

 

Pero swab test niya nitong March 11 ay nagpositibo na siya sa virus.

 

 

Pero sinabi ni Sinas siya ay asymptomatic, posibleng na infect siya ng virus sa loob ng 24-48 hours.

 

 

Sasailalim sa quarantine ngayong gabi si Sinas at duon siya didiretcho sa Kiangan Treatment Facilities sa loob ng Camp Crame.

 

 

Inanunsiyo din ni Sinas na si The deputy chief for Administration Lt Gen. Guillermo Eleazar ang magiging OIC Chief PNP habang siya ay naka quarantine.

 

 

Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP Spoksperson BGen. Ildibrandi Usana maayos ang kalagayan ni PNP chief ngayon.

 

 

” He is Ok po. No cause for worry po. Prayers na lang po muna para kay Chief,” mensahe ni Usana.

Other News
  • Ads May 29, 2023

  • CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency

    NAKIKIISA  ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon.     Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang […]

  • Walang ‘exempted’ sa mega-task force probe vs korupsyon – Palasyo

    TINIYAK ng Malacañang na walang exempted sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga alegasyon ng korupsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.   Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nagsimula sa maling paraan ang mandatong ito ni Pangulong […]