• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off

Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.

 

Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang kaniyang baril bilang depensa.

 

 

Maaari lamang aniya ito para sa mga short firearms na inisyu ng PNP sa mga Pulis habang ang mga mahahabang armas ay tama lamang na iniiwan sa opisina.

 

 

Pero ipinunto ni PNP Chief, kailangang nasa tamang pag-iisip ang Pulis sa pagbibitbit ng kaniyang baril dahil kaakibat nito ang napakalaking pananagutan kaya’t ito aniya ang kanilang tinututukang ayusin sa ngayon.

 

 

May mga nanawagan kasi na hindi na magbitbit ng armas ang mga pulis kapag sila ay off duty para maiwasan na magamit ito sa krimen gaya ng nangyari sa pulis na bumaril patay sa isang Ginang sa QC.

Other News
  • MPD AT NPC, NAG-USAP

    NAKIPAGDAYALOGO  ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa  National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .     Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director  na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa […]

  • YASMIEN, apaw ang saya na ibinahagi sa vlog ang kanyang dream yellow car; bukod pa sa excitement sa bagong serye

    NAG-UUMAPAW pa rin sa saya si Kapuso actress Yasmien Kurdi sa natanggap na gift galing sa asawa na si Rey Soldevilla na ‘dream car’ niya.     Matapos ngang I-post ni Yas sa kanyang Instagram ang photos ng kanyang brand new car, na-upload na rin niya ito sa kanyang YouTube vlog na may caption, “Yehey! […]

  • Sa isang episode ng ‘Running Man PH’: KOKOY, muntik na talagang mag-backout sa sobrang takot

    MUNTIK na palang atrasan ni Kokoy de Santos ang isa sa mga race ng ‘Running Man Philippines Season 2’ dahil sa pagiging matatakutin nito.      Sa trailer kasi ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael […]