PNP Chief hinimok ang publiko magsuot ng face shield
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
Hinikayat ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng tahanan o mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng Delta variant, ang unang variant na napaulat sa India at pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.
Nakikiusap si PNP Chief sa publiko na igalang at sumunod sa direktiba ng ating Pangulo tungkol sa pagsusuot ng face shields dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat dahil hindi biro ang Delta variant.
” Ayon sa ating mga eksperto, hindi biro ang variant na ito at kailangan talagang magdoble ingat tayo,” pahayag ni Gen. Eleazar.
Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 17 kaso ng Delta variant ng COVID 19 sa buong Pilipinas.
Nagpaalala naman si Eleazar sa mga Pulis na dapat sumunod din sila sa pagsusuot ng face shield.
Ipinaalala rin niya sa kapulisan na ipatupad pa rin ang maximum tolerance at iwasang magpataw ng parusa sa mga mahuhuli nilang hindi nakasuot ng face shield.
Bukod sa face mask, sinabi rin niyang dapat mamahagi rin ng face shield para sa mga wala nito.
” Ang instruction ko lang sa mga kapulisan natin sumunod din sa ating patakaran dahil anong magiging kredibilidad natin niyan sa panghuhuli kung tayo mismo ay hindi sinusunod ito,” wika ni Eleazar. (Daris Jose)
-
Navotas ipapatupad ang bagong oras ng trabaho
MAGPAPATUPAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula Mayo 2, 2024. Ito’y matapos lagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order (EO) No. JRT-016, na nagsasaad ng pagbabago ng oras ng trabaho sa pamahalaang lungsod mula 8am-5pm hanggang 7am-4pm alinsunod sa Metropolitan Manila Council (MMC) Resolution […]
-
PBBM, dadalo sa ASEAN Summit sa Malaysia
DADALO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Summit sa Malaysia na nakatakda ngayong buwan. Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ang ASEAN Summit ay gaganapin sa May 26 hanggang 27 sa Malaysia. Ani Castro, kinausap ni Pangulong Marcos si Malaysian Prime Minister […]
-
NPD NAGDAGDAG NG 100 PULIS SA MALABON
Dahil sa u-sunod na pagpatay sa Malabon city na ang pinakahuli ay isang punong barangay ng Hulong Duhat, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director Police Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz bilang karagdagan sa may 400 dating kapulisan sa lungsod. Dakong alas-3:50 ng Martes ng hapon, January 11, nang pagbabarilin sa […]