PNP Chief ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa NCR
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang curfew hours sa oras na maging epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.
Kasabay ito ng paghihigpit sa mga border control mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.
Sinabi ni Eleazar na nauunawan niya ang sinasabing “quarantine burnout” na nararamdaman ng mga mamayan, pero mali aniya ang pananaw na walang nagagawa ang paghihigpit.
Ayon kay Eleazar ang mas mahabang curfew sa NCR mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas:4:00 ng umaga at striktong border control ay makakatulong upang mapigilan ang mass gathering at super spreader events.
Hinimok ni Eleazar ang publiko na sunding maigi ang minimum health safety standards at quarantine protocols para maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.
Nakita na aniya ang epekto ng Delta Variant sa India at nararapat lang ang agarang aksiyon ng pamahalaan bago mauwi sa sisihan.
Dagdag pa ng PNP Chief, tutulong din sila sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban na pina-iiral ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Simula Agosto 6, sabay-sabay na ipatutupad sa buong National Capital Region ang uniform curfew, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos. (Daris Jose)
-
Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang
TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga. Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon. […]
-
Sa 16th Star Awards for Music: DONNY at BELLE, waging Male and Female Pop Artist of the Year
ISA sa pinakasikat na young aktor sa ngayon ay ang anak Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny Pangilinan. Ang mga nabanggit na parents ni Donny ang tumatayong talent manager niya. Isa si Donny sa mga inaalagaan ngayon ng Kapamilya network and no doubt ang tambalang Donny at Belle Mariano ang pumatok […]
-
Naitatalang daily COVID 19 cases sa NCR, malaki ang posibilidad na umabot na sa 400 hanggang 500 sa katapusan ng buwan – OCTA Research
TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang 500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30. Sa Laging Handa public briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw. Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang […]