• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na  nakahanda sila sakaling palawigin pa ang  implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar,  ipinatutupad lamang nila ang  mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts.

 

 

Aniya, ang  mga Metro Manila mayors  at opisyal ng  Inter Agency Task Force (IATF) ang may karapatan  na magsabi at magdesisyon kung dapat  ang extension ng ECQ sa NCR .

 

 

Tanging tungkulin ng  pulis ay masiguro na sinusunod ng  mga nasa lansangan ang  minimum public health standards kabilang na ang  pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

Una nang nagpahayag ng  posibilidad ang Department of Health ng extension ng  ECQ sa NCR dahil sa pagtaas ng  bilang ng COVID cases.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanatili ang posibilidad bunsod na rin ng projections subalit kailangan pa ring  pag- usapan ito ng IATF.

 

 

Isinailalim ang  Metro Manila sa ECQ noong Agosto 6  na magtatagal hanggang  Agosto 20 dahil sa banta naman mas nakakahawang ng  Delta variant.

Other News
  • Ads April 3, 2024

    adsapr_040324

  • Roland Emmerich’s Next Disaster Film, ‘Moonfall’, Unveils New Character Posters

    ROLAND Emmerich’s upcoming disaster film, Moonfall, shares new character posters.           Emmerich is no stranger to the disaster genre, having previously helmed Independence Day, The Day After Tomorrow, and 2012, with this new project set to continue the trend. Moonfall sees the Moon knocked from its orbit and sent on a collision course with Earth.           With only weeks until impact […]

  • PSA website nakaranas ng glitches sa National ID registration

    Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.     Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.     Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa […]