• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP maghihigpit sa mga quarantine checkpoints para pigilan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19 – Eleazar

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis na striktong ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa nagpapatuloy na banta ng COVID 19.

 

 

Ito’y kasunod ng babala ng Department of Health sa publiko tungkol sa COVID 19 Delta variant na laganap sa buong mundo.

 

 

Ayon sa DOH, kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control cehckpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant na ito sa bansa at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

 

 

Ayon kay Eleazar, hindi lang mga pulis, kundi lahat ng mamayan ay may papel na dapat gampanan para mapigilan ang pagkalat ng variant na ito.

 

 

Sa panig aniya ng PNP, makakaasa ang mga mamayan na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na bukod sa pagpapabakuna, magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng IATF.

 

 

Binigyang-diin ni Eleazar na matagal na itong panawagan ni DILG Sec. Eduardo Ano na magkaroon ng kusa ang ating mga kababayanna sumunod sa panuntunan ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 virus.

 

 

SAMANTALA, sa kabila ng kontrobersiya sa operasyon ng PNP ang pagkakapatay sa dating pulis na dating Mayor ng Talitay, Maguindanao habang nasa police custody at ang operasyon sa Binan, Laguna na ikinasawi ng 16-anyos na teenager at isang drug suspek ay hindi hadlang sa pinalakas na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

 

 

Sinabi ni Eleazar hindi titigil ang PNP hanggat hindi nahuhuli ang mga notorious drug personalities sa buong bansa.

 

 

Gumugulong na ang imbestigasyon ng PNP at maging ang motu propio investigation ng PNP IAS upang mabatid kung may lapses at nasunod ng mga operatiba ang police operational procedure.

 

Siniguro ni Eleazar kung mapatunayang may pagmamalabis sa panig ng mga pulis, mananagot ang mga ito sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • VP Sara, binatikos ang AFP para sa ‘standing idly’ sa panahon ng pag-aresto kay ex-PRRD

    BINATIKOS ni Vice President Sara Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang pahintulutan na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ang batayan lamang ay ang foreign tribunal warrant. Kinuwestiyon ni VP Sara ang ‘constitutionality’ ng pag-aresto sa kanyang ama noong Marso 11 sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on […]

  • Ads March 30, 2022

  • ZSA ZSA, nasa puso pa rin at patuloy na inaalala ang kaarawan ng ‘Lovey’ na si DOLPHY

    INALALA naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang kaarawan ni Comedy King Dolphy noong July 25.     Kung buhay pa raw si Pidol, he would be 93 years old.     Pumanaw si Mang Dolphy noong July 10, 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease sa edad na 83.     Sa kanyang […]