• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam

NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.

 

 

Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.

 

 

Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus at akitin ang mga tao na mag- invest ng pera sa mga pekeng crypto investments.

 

 

Sinabi ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director ng PNP-Anti-Cybercrime Group, na ang mga scammers ngayon ay mas lalong nagiging creative sa kanilang mga potential victims gamit ang kanilang bagong modus.

 

 

Kabilang dito ang paghikayat sa isang potential investor na i download ang isang Crypto App at kapag installed na nire-require na cash in ang kanilang investments sa pamamagitan ng digital wallets na naka lista sa application.

 

 

Ang mga scammers ay gumagamit ng pekeng DTI permits at SEC certificates. (Daris Jose)

Other News
  • BINATI ni Mayor John Rey Tiangco

    BINATI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 40 drug surrenderees na nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, ang BIDAHAN. Ang mga kalahok sa BIDAHAN ay sumasailalim sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro […]

  • Galaw-galaw nang ‘di pumanaw

    PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa.   Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic.   Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown.   Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang […]

  • PBBM, itinalaga si Taw Lawyer Romeo Lumagui Jr. bilang BIR Commissioner

    ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  si  Romeo Lumagui Jr. bilang commissioner  ng Bureau of Internal Revenue (BIR).     Si Lumagui,  isang tax lawyer ay nanumpa sa kanyang tungkulin, araw ng Martes, Nobyembre 15.     Bago pa  itinalaga si Lumagui  sa kanyang  posisyon ngayon ay nagsilbi muna siya bilang  deputy commissioner ng […]