• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP napagkalooban ng P3B halaga ng kagamitan

IPINAGKALOOB sa Philippine National Police ang nasa P3 bilyong kagamitan katulad ng helicopter, truck, armas at bomb equipment kahapon, Lunes.

 

Kabilang na rito ang dalawang single-engine turbine choppers na nagkakahalaga ng P225 milyon mula Airbus; 31 units ng troop carriers na nagkakahalaga ng P3.1 milyon;12 units ng pick-up vehicles na tinatayang nasa P1.6 milyon; at 501 units ng combat helmets na nasa P32 milyon.

 

Sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na mayroong kabuuan na pitong helicopters kung saan lilipad ang tagdalawa sa Visayas at Mindanao.

 

“It has been the assurance of the committee of inspection and acceptance na dapat sumusunod sa parameters during acceptance process to see to it na may compliance sa standards,” tugon nito sa isang panayam.

 

Layon aniya na makakuha pa ng tatlong helikopter bago siya bumaba sa pwesto sa Oktubre.

 

Siniguro rin nito ang nasa 2,800 units ng body cameras oras na makumpleto ang pag-testing nito. (Daris Jose)

Other News
  • 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.   “Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]

  • Congressional Medal of Excellence iginawad kay Diaz

    Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ang House of Representatives ng Congressional Medal of Excellence.     Ito ang iginawad ng Kongreso kay national weightlifter Hidilyn Diaz na tumapos sa 97-taong paghihintay ng Pilipinas para sa kauna-unahang Olympic Games gold medal nang manalo sa Tokyo Games.     Nang buhatin ni Diaz ang silver medal noong […]

  • ‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

    TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.     Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.   […]