• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP sa publiko: ‘Iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies’

Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.

 

Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks.

 

 

Ayon kay PNP Chief, mahigpit nilang babantayan ang mga mananamantala sa sitwasyon na gagamitin ang pandemya para kumita.

 

 

Kaugnay nito, hinihikayat ni Eleazar ang publiko na isumbong sa PNP kung may kilalala silang indibidwal o may nalalamang impormasyon sa mga gumagawa ng hoarding sa oxygen tanks at iba pang medical supplies.

 

 

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na wala pang shortage sa supply ng medical grade oxygen kaya nanawagan din sila sa publiko na iwasan ang hoarding para hindi mangyari ang pinangangamabahan.

 

 

Samantala, maliban sa DOH, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Department of Trade and Industry tungkol dito.

Other News
  • PBBM, masayang ibinahagi ang naging kontribusyon para mapapayag ang gobyerno ng Indonesia na pauwiin si Veloso sa Pilipinas

    MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagawa ng kanyang administrasyon para mapalitan at mapababa ang sentensiya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nasa death row ng Indonesia dahil sa drug trafficking.     Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong […]

  • Kaya one teleserye na lang in a year: KATRINA, hinangaan sa desisyon na tutukan ang anak na may ‘mild autism’

    MARAMI ang humanga sa sinabi ni Katrina Halili na mas importante sa kanya ang maalagaan ang kanyang anak kesa sa tumanggap siya ng sunud-sunod na trabaho.       Na-diagnose ang unica hija ni Katrina na si Katie with ASD o autism spectrum disorder, isang “neurological and developmental disorder that affects how people interact with […]

  • 4 pang NBA players nagpositibo sa COVID-19

    Apat pang panibagong mga NBA players ang nagpositibo sa COVID-19 mula ito sa halos 500 na isinailalim sa testing sa loob ng isang linggo.     Sinasabing kabilang sa nagpositibo sa virus ay ang mga players ng Chicago Bulls na sina Chandler Hutchison at Tomas Satoransky.     Bago ito, umabot sa 492 players ang […]