• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP todo-bantay sa mga pasaway sa ECQ

Todo higpit ang isasa­gawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga pasaway na indibidual na lalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na epektibong ipatutupad sa darating na Agosto 6-20 sa buong Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 Delta variant.

 

 

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nakasaad sa Omnibus Guidelines na dati ng ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paghihigpit ng restriksyon sa bawat quarantine status.

 

 

“I have already instruc-ted the RD, NCRPO, MGen Vicente Danao, Jr., to make sure that all the quarantine restrictions that have been implemented before, inclu-ding the deployment of appropriate number of PNP personnel and the coordination with Local Government Units for force multipliers, will be in place during that period”, pahayag ni Eleazar.

 

 

“Hindi na bago ang mga quarantine restrictions sa amin kaya tiwala ako na maayos na maipapatupad ito ng ating mga kapulisan.

 

 

Sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng ECQ  o pinakamahigpit na antas ng lockdown ay tanging mga APOR (Authorized Persons Outside Residence) ang papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan, medical health workers at essential workers.

 

 

Samantalang tanging ang mga essential establishments, mga industriya ang papayagan na magkaroon ng operation sa ilalim ng lockdown.

 

 

Ayon kay Eleazar mahigpit na babantayan ng mga operatiba ng pulisya ang galaw ng mga non-essentials na dapat ay nasa loob lamang ng kanilang mga ta-hanan sa panahon ng ECQ.

 

 

Sinabi ni Eleazar magla-lagay rin ng mga checkpoint sa mga border control sa bawat  siyudad at bayan sa Metro Manila bilang bahagi ng paghihigpit sa mga interzonal travel.

 

 

Inihayag naman ni Eleazar na ang maari lamang tumawid ng mga siyudad o lumabas at pumasok sa Metro Manila ay mga APR pero dapat ay may kinalaman ito sa trabaho at kaila-ngan lamang magpakita ng company ID o certificate of employment sa mga checkpoint. (Daris Jose)

Other News
  • NCRPO itinuturing na mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila

    ITINUTURING  ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ‘generally peaceful’ ang naging paggunita ng Semana Santa sa Kamaynilaan.     Sinabi ni NCRPO Chief, Police Major General Edgar Allan Okubo, wala silang natanggap na banta sa seguridad at kahit na tapos na ang Semana Santa ay patuloy pa rin silang naka-heightened alert.     […]

  • PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.   Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.   Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.   Ang appointment ni Dizon ay […]

  • LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.     Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.     Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga […]