PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.
Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa paghahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar at isla sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y matapos na atasan ng Pangulo ang DILG na I-supervise ang mabilis na pagdeliver ng bakuna sa gitna ng mga ulat na may mga napanis na bakuna.
Kasabay nito, inatasan din ni Eleazar ang lahat ng Police commanders na maglatag ng Security plan sa paghahatid ng bakuna at sa mga vaccination sites.
Sinabi ni Eleazar na makakaasa ang puliko na 24/7 magtatrabaho ang PNP upang makatulong na makamit ng bansa ang herd Immunity laban sa virus.
Samantala, bumuo na ang PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) ng panuntunan sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga organizer ng community pantries.
Ayon kay sa ilalim ng binuong panuntunan na ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay upang tiyakin lamang ang peace and order at nasusunod ang minimum public health safety protocols.
Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang paghingi ng paumanhin ni PNP Human Rights Affairs Office chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa mga organizer na natakot sa umano’y profiling.
-
Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025
Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon. Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand. Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay […]
-
‘Godzilla Vs. Kong’ Drops New Poster And First Trailer
TWO of the most iconic monsters in film, Godzilla and King Kong are ready for a confrontation in the new Godzilla Vs. Kong poster. Warner Bros. and Legendary Entertainment will soon be releasing the big crossover film, now that their MonsterVerse had been set up by the Godzilla reboot in 2014, Kong: Skull Island in 2017, and 2019’s Godzilla: King […]
-
Malakanyang, nakakakita na ng barometro sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas
NAKAKITA na ang Malakanyang ng isang barometro o senyales na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa. Ito’y matapos manguna ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya sa aspeto ng pag e- export nitong Abril. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang export ng […]