• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.

 

 

Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag extort ng pera na siyang gagamitin nila para sa kanilang recruitment at pagsasagawa ng karahasan.

 

 

Kinilala ni PNP chief ang dalawang nasugatang Pulis na sina Patrolman Jessie Castamado at Police Corporal Genel Simpas.

 

 

Sinabi ni Eleazar na sa ikinasang follow-up operations nakasagupa ng mga pulis ang mga rebelde kung saan umigting ang pitong minutong labanan.

 

 

 

Pinaniniwalaang may casualties sa panig ng rebeldeng grupo.

 

 

Samantala, tiniyak ni Eleazar na kanilang paka tutukan ang mga lugar sa bansa na may mataas na presensiya ng armadong grupo lalo na ang New Peoples Army (NPA) at may history ng election related violence incident.

 

 

Ang pahayag ni PNP chief ay bunsod sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga pulis sa Masbate at mga miyembro ng New Peoples Army na ikinasawi ng limang NPA sa Barangay Bugtong, Mandaon, Masbate.

 

 

Sinabi ni PNP Chief ang nasabing operasyon ng PNP laban sa mga NPA sa ay bahagi nang kanilang pinalakas na offensive operation na layong masiguro na magiging payapa at maayos ang nalalapit na halalan sa susunod na taon.

 

 

Ang Masbate ang isa sa mga lugar sa bansa na palaging may naitatalang karahasan tuwing panahon ng halalan. (Daris Jose)

Other News
  • 3 COVID-19 vaccines na ang may aplikasyon para sa clinical trial sa Pilipinas: DOST

    TATLONG bakuna laban sa COVID-19 ang nangunguna ngayon aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.   Ang gawa ng Gamaleya Research Institute na Sputnik V mula Russia, at mga gawa ng kompanyang Sinovac mula China at Janssen Pharmaceutica sa Belgium.   “Nag-submit na pero kumpleto ang documents nila. So tatlo so far ang already […]

  • Mga guro sa Caloocan, may P2K monthly augmentation pay

    MASIGLANG sinalubong ang 2025 ng mga guro ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ang Php 2,000 buwanang augmentation pay simula na unang ipinangako ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa kanyang State of ang City Address (SOCA) noong Setyembre 2024. Ang nasabing augmentation pay ay allowance na ibinibigay ng […]

  • ‘Avatar: The Way of Water’ overtakes ‘Top Gun: Maverick’ at the global box office

    JAMES Cameron has hit it out of the park all over again with his latest release Avatar 2.      It was just a few days ago we heard the news of the film crossing the $1 billion mark at the box office. Before we could blink an eye, The Way Of Water has hit the $1.5 billion milestone and surpassed […]