• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNPA, extended ang lockdown

Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

 

Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.

 

Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan ng medical attention.

 

Matatandaang Setyembre 3, 2020 nang ma-detect ang ilang COVID positive sa ilang academy, kaya nagpatupad ng lockdown.

 

Isinalang din sa swab test ang mga kadete at lumabas na mahigit 200 sa kanila ang infected ng naturang sakit. (Daris Jose)

Other News
  • Serena Williams hindi na maglalaro sa Tokyo Olympics

    Nagdesisyon si Serena Williams na hindi ito maglalaro sa Tokyo Olympics.     Hindi naman na idinetalye o binanggit ang dahilan ng kaniyang pag-atras sa nasabing torneo.     Ang 39-anyos na American tennis star ay nagwagi ng gold medal sa singles titles noong London Olympics sa 2012 at tatlong gold medals sa doubles kasama […]

  • Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’

    INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce.   “Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. […]

  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]