PNR may mga bagong train
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
Dumating mula Indonesia ang mga bagong train sets ng Philippine National Railways (PNR) na siyang kahuling batch sa ilalim ng fleet modernization program ng PNR.
Natangap ng PNR ang mga bagong train sets na may 15 passenger coaches at tatlong (3) locomotives sa ilalim ng refleeting strategy.
Kumpleto na ang delivery ng lahat ng 37 cars at tatlong (3) locomotives na binili pa noong 2018.
“The re-fleeting project will increase PNR capacity to carry passengers with capacity of 1,250 per set per trip, with a maximum design speed of 120 kilometer per hour,” wika ng PNR.
Ang unang batch ng diesel multiple unit (DMU) trains ay ginawa ng PT Industri Kereta Api ay dumating noong nakaraang taon at sinimulan itong gamitin noong December 2020.
Noong nakaraang February naman, two (2) train sets na galing din sa Indonesia ang dumating sa bansa na ginagamit na upang magbigay ng serbisyo sa mga pasahero subalit nahinto dahil sa enhanced community quarantine.
Ang mga bagong train sets ay kasama sa PNR’s 2018 train procurement program na naglalayon na baguhin at pagandahin ang serbisyo ng rail system sa bansa.
Inaasahan na ang bagong dating na mga trains ay uumpisan ang commercial service pagkatapos na sumailalim ang mga ito sa reliability, availability, maintainability at safety validation.
Kapag lahat ng biniling bagong trains ay naging operational na, ang PNR ay inaasahang magkakaron ng may 140,000 na pasahero kada araw na siyang doble pa sa kasalukuyang kapasidad na 48,000 hanggang 60,000 na pasahero kada araw.
Ang mga nasabing trains ay may operasyon sa biyaheng FTI-Tutuban at FTI-Malabon routes.
Samantala, nagdagdag ang PNR ng limang stations mula sa Tutuban, Manila hanggang pagkalampas ng Calamba station.
Ang mga bagong stations ay ang Pansol, Masili, Los Banos College, Los Banos, at International Rice Research Institute sa Laguna. (LASACMAR)
-
Ibinahagi ang nakaka-touch na video ng proposal: DOMINIC, nangakong magiging pahinga ni BEA sa mundong magulo at maingay
NAG-PROPOSE nga si Dominic Roque sa girlfriend na si Bea Alonzo noong July 18 na naging talk of the town at nag-viral. At sa kanyang Instagram post last Friday, July 21, isang araw after ng kanyang 33rd birthday, ibinahagi ni Dom ang heartwarming video ng kanyang proposal na may nakaka-touch na mensahe para […]
-
FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA
AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City. Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito […]
-
CURFEW SA ADULTS INALIS NA SA NAVOTAS
INALIS na ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na General Community Quarantine alert level 2 sa Metro Manila. Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 MN – 4:00 AM curfew sa lungsod, alinsunod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) […]