‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay
- Published on January 5, 2022
- by @peoplesbalita
Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo.
Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas sa kanyang quarantine para pumunta sa isang party sa Poblacion, Makati.
Nabatid na apat sa 12 indibidwal na nahawaan ng COVID-19 kasunod ng superspreader event sa party na dinaluhan ni Chua ay pawang mga empleyado ng isang bar.
Kahit hindi idedeklarang persona non grata ang tinaguriang “Poblacion girl” sinabi ng alkalde na papanagutin pa rin nila ito.
Naghahanda na rin aniya ang lungsod ng reklamo laban sa hotel na pumayag kay Chua na makatakas sa quarantine nito.
Dagdag pa ni Binay, may inihahanda na rin ang Department of Tourism na kanilang sariling rekomendasyon laban sa naturang hotel, na natukoy bilang Berjaya Hotel. (Daris Jose)
-
Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’
AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers. Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]
-
DBM, naglaan ng P15.2B budget para sa DMW para sa taong 2023
NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P15.2 bilyong piso sa bagong itinatag na Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion 2023 national budget. Sa kalatas na ipinalabas ng DBM, sinabi nito na sa kabuuang halaga, P3.5 bilyong piso ang inilaan sa Office of the Secretary ng DMW. […]
-
Ads May 28, 2022