• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.

 

 

Nabatid na habang nakaupo umano ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Martinez Extention, Brgy. 28, dakong alas-7:00 ng gabi nang lapitan siya ng nag-iisang salarin at agad na pinaputukan ng dalawang ulit sa mukha.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan naman ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344.     Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime […]

  • Excited pa namang mag-show kasama si Boobay: JULIE ANNE at RAYVER, nakabalik na ng bansa mula sa Israel

    NAKABALIK na ng Pilipinas sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Boobay mula sa bansang Israel.     Dumating sila noong October 9 ng gabi sa Clark International Airport.     Excited pa naman ang JulieVer loveteam sa dapat na show sa Tel Aviv. Noong September pa nila pino-promote ang show para abangan sila […]

  • Mandatory quarantine period, maaaring bawasan at gawing 10 araw ang 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW

    MAAARING  bawasan sa 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW.     “So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon […]