• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POLO, kitang-kita ang excitement sa mga mata ang pagiging isang ama kay Baby YATRICK PAUL

KAHIT puyat, makikita pa rin ang excitement sa mga mata ni Polo Ravales ang pagiging isang ama sa kanyang baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg. 

 

 

Nag-share sa social media si Polo ng first family photo nila ng kanyang fiancee na si Paulyn at ng kanilang baby boy na isinilang noong nakaraang September 5. Nilagyan ito ng caption ni Polo ng “Puyat Mode (picture taken at 2am last night)”

 

 

Sa naging panayam kay Polo ng GMA Regional TV Live, sinabi ng aktor na bagong realidad sa kanyang buhay noong sinilang na ang anak nila ni Paulyn.

 

 

“Noong lumabas siya, parang nagising ka ulit. My new reality. So I’m looking forward to be a dad. Now I’m enjoying itong fatherhood,” sey ni Polo.

 

 

Nagpasalamat naman si Polo sa kanyang fiancee dahil sa pagiging “caring, loving and strong” na ina sa kanilang first born child.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Polo sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS ng kanilang virtual awarding last year, bumalik sa live broadcast ang 73rd Primetime Emmy Awards na ginaganap sa Events Deck at L.A. Live in Downtown Los Angeles, California.

 

 

Maging host ay ang comedian na si Cedric the Entertainer.

 

 

Ginanap outdoors ang Emmys dahil sa pagsunod sa safety and health protocols ng Los Angeles. Ilan lang ang puwedeng manood at kailangang vaccinated na ang mga imbitado. Naka-facemask pa rin ang mga invited celebirities at tatanggalin lang nila kapag magpo-pose sila for photographers sa red carpet.

 

 

Big winner ang Netflix series na The Crown na nagwagi ng seven Emmys: Outstanding Drama Series, Outstanding Directing for a Drama Series, Outstanding Writing for a Drama Series, best drama actress (Olivia Colman), best drama actor (Josh O’Connor), best drama supporting actor (Tobias Menzies), and best drama supporting actress (Gillian Anderson).

 

 

Ang comedy series ng Apple TV+ na Ted Lasso ay nag-uwi ng apat na Emmys, kabilang dito ang Outstanding Comedy Series, best comedy actor for Jason Sudeikis, ang best comedy supporting actress and actor for Hannah Waddingham and Brett Goldstein.

 

 

Ang iba pang nagwagi ay ang mga sumusunod:

 

Outstanding Lead Actress in a Comedy Series: Jean Smart (Hacks)

 

Outstanding Lead Actor in a Limited or Anthology Series or a Movie: Ewan McGregor (Halston)

 

Outstanding Limited or Anthology Series: The Queen’s Gambit

 

Outstanding Lead Actress in a Limited or Anthology Series or a Movie: Kate Winslet (Mare of Easttown)

 

Outstanding Supporting Actor in a Limited or Anthology Series or Movie: Evan Peters (Mare of Easttown)

 

Outstanding Supporting Actress in a Limited or Anthology Series or Movie: Julianne Nicholson (Mare of Easttown)

 

Outstanding Variety Sketch Series: Saturday Night Live

 

Outstanding Variety Special (Live): Stephen Colbert’s Election Night 2020: Democracy’s Last Stand Building Back America Great Again Better 2020

 

Outstanding Variety Special (Pre-Recorded): Hamilton

 

Outstanding Directing for a Comedy Series: Hacks

 

Outstanding Directing for a Limited or Anthology Series or Movie: The Queen’s Gambit

 

Outstanding Writing for a Comedy Series: Hacks

 

Outstanding Writing for a Limited or Anthology Series or Movie: I May Destroy You

 

Outstanding Writing for a Variety Series: Last Week Tonight with John Oliver

 

Outstanding Variety Talk Series: Last Week Tonight with John Oliver

 

Outstanding Competition Program: RuPaul’s Drag Race

 

2021 Governor Award: Debbie Allen

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Chinese itinumba ng kapwa Chinese sa loob ng resto

    PATAY ang isang 29-anyos na Chinese national nang barilin ng pinaniniwalaang high profile gunman na Chinese looking din, sa Makati City noong Huwebes, sa isang hotpot restaurant sa Makati City.     Dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si alyas “Liu”.   Sa ulat Palanan Sub-station, dakong alas- 2:20 ng madaling araw […]

  • Gobyerno, naghahagilap pa ng mapagkukunan ng pondo

    HINAHANAPAN pa ng gobyerno ng source of funding ang posibleng panibagong cash assistance na ipagkakaloob sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa naging pahayag ni Finance Sec. Sonny Dominguez, humahanap pa sila ng potensyal na mapagkukunan ng pondo upang hindi […]

  • Voter’s registration sa mga mall, aarangkada sa Disyembre

    MAGPAPATULOY  muli ang pagsasagawa ng voters registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa dara­ting na Disyembre 17.   Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Election (Comelec) en banc noong Oktubre 26 ang operational plan ng ‘Register Anywhere Project’ (RAP) ng komisyon.   Subalit, tutukuyin pa sa mga susunod na […]