• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC

Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.

 

 

Kapag naisumite na ang mga kakailanganing dokumento ay agad nilang ibibigay na ang allowances ng mga atleta.

 

 

Nauna rito ibinunyag ng Pinay boxer na si Irish Magno na wala pa silang natatanggap na allowance ng dalawang buwan.

 

 

Sinuportahan naman nito ng kapwa boksigero na si Eumir Marcial.

 

 

Nauna ng binawasan ng gobyerno ang allowance sn mga atleta noong kalagitnaan ng 2020 para bigyan daan ang paglaban sa COVID-19.

 

 

Muling ibinalik ito ng PSC matapos na matanggap nila ang pondo na P180-milyon sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Other News
  • Djokovic pasok na sa quarterfinals ng French Open

    PASOK na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic.   Ito ay matapos talunin si Karen Khachanov sa score na 6- 4, 6-3, 6-3.   Ang world number 16 na si Khachanov ay siyang tumalo kay Djokovic noong 2018 Paris Masters.   Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Pablo Carreno […]

  • Ukraine Athletes inalala ang mga sundalo

    Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia.   Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk.   Naglabas sila ng video […]

  • Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde

    IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde.     Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023.     Kasama […]