• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH

Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga.

 

 

Ngunit dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, limitado lamang ang bilang ng mga papayagang dumalo sa misa sa loob ng basilica.

 

 

Sinabi pa ni Gente, ila-livestream ang misa upang maabot ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

“Join us in Rome to pray, praise and thank God for his gift of the Christian faith,” wika nito.

 

 

Kasama ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, at Cardinal Angelo De Donatis, vical general ng Rome.

 

 

Maliban dito, mangunguna rin ang Santo Papa sa tradisyunal na pagdarasal ng Angelus sa St. Peter’s Square sa tanghali pagkatapos ng Misa.

 

 

Kung maaalala, noong 2019 ay nanguna rin si Pope Francis sa tradisyunal na “Simbang Gabi” Mass kasama ang Pinoy community sa Roma at kinilala ang papel ng mga overseas Filipino workers sa paglago ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

Other News
  • MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

    NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.     Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng […]

  • VP Sara, pinangunahan ang kick-off event ng ‘Brigada Eskwela 2024’

    PINANGUNAHAN ni Vice President at outgoing Education Secretary Sara Duterte ang ceremonial kick-off ng “Brigada Eskwela 2024” sa Cebu City, araw ng Miyerkules, Hulyo 17. Sa kanyang naging talumpati, pinalawig ni Duterte ang kahalagahan ng Brigada Eskwela. “Some of us might think of cleaning doors and repainting walls or giving out donations, such as books […]

  • 36ers matikas ang exit sa NBL

    MAGARBONG tinapos ng Adelaide 36ers ang kam­panya nito matapos ilampaso ang New Zealand, 93-63, sa 2021-22 Australia National Basketball League kahapon sa MyState Bank Arena sa Australia.     Nagpasiklab si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto na nagtala ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na blocks para tulungan ang Adelaide na makuha ang panalo. […]