• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.

 

 

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang shortage.

 

 

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng panukala ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kunin ang serbisyo ng mga hindi pa lisensiyadong nurses para punan ang mga bakante sa public health institutions.

 

 

Umani ito ng reaksyon sa ibang sector.

 

 

Nilinaw ng Professional Regulation Commission na hindi maaaring bigyan ng temporary o special licenses at magtrabaho sa government hospitals ang mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.

 

 

Sinabi ni Nograles na naiwasan sana na nagkaroon ng isyu kung nagkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders.

 

 

Kabilang na rito ang mga government agencies tulad ng Department of Health, Department of Labor and Employment, budget department, at local government units, at iba pang stakeholders sa health sector.

 

 

“Kailangan pag-usapan ang mga isyu gaya ng nurse to patient ratio, working hours, salary, at iba pa. What is stopping us from hiring more nurses? Let’s identify these barriers and closely collaborate to find a solution that we can implement,” pahayag nito.

 

 

Handa rin ang mambabatas na sumali sa posibleng talakayan bilang miyembro ng kongreso.

 

 

“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” pagtatapos ni Nograles. (ARA ROMERO)

Other News
  • 8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist

    HINDI  umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon.     Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas.     […]

  • Base sa ikinikilos ng Kapuso aktres: BEA, walang dudang sila na uli ni DOMINIC ‘di lang inaamin

    HINDI naniniwala ang source namin na hindi nagkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque.    Ayon pa sa kanya, kilalang-kilala raw niya si Bea dahil matagal na rin daw naman siyang malapit sa aktres nang mga panahon alaga pa ng Kapamilya ito.   Sa mga kınıkilos daw ngayon ni Bea ay walang dudang sila na […]

  • Pinas mas malala na sa India, Indonesia – OCTA

    Naniniwala ang OCTA Research Group na walang kaso kung bubuksan na ang Pilipinas sa ibang bansa na dating nasa travel ban dahil sa mas malala na umano ang sitwasyon ngayon ng Pilipinas kumpara sa India, Indonesia at iba pa.     Reaksyon ito ni Dr. Guido David, ng OCTA sa desisyon ng pamahalaan na tanggalin […]