Pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos: PBBM, nagpaabot ng pagbati kay US Prexy Donald Trump
- Published on January 21, 2025
- by Peoples Balita
NAGPAABOT ng kanyang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay US President Donald Trump na pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.
“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history. I look forward to working closely with you and your Administration,” ang naging mensahe ni Pangulong Marcos.
Ang malakas at pangmatagalang alyansa aniya ng Pilipinas at Estados Unidos ay magpapatuloy para panindigan at pagtibayin ang nakabahaging pananaw ng kaunlaran at seguridad sa rehiyon.
Sa ulat, pinangunahan ni Chief Justice John Roberts ang panunumpa ni Trump sa loob ng Capitol Rotunda.
Bukod sa Abraham Lincoln bible para sa panunumpa ay ginamit ni Trump ang kaniyang personal na bibliya.
Ang nasabing bibliya ay siyang ginamit niya rin sa unang termino niya bilang pangulo noong 2017.
Matapos ang panunumpa ay nagpaputok ng canyon ang US military bilang tradisyon sa pagpupugay nila.
Isinagawa sa loob ng Capitol Rotunda ang panunumpa ngayon dahil sa labis na lamig ng panahon sa labas.
Huling isinagawa ang indoor na panunumpa ay noong panahon ni dating US President Ronald Reagan noong 1985.
Bago ang panunumpa ni Trump ay nanumpa na rin bilang kaniyang bise presidente si JD Vance na pinangunahan ni Supreme Court Justice Brett Kavanaugh.
Dumalo sa nasabing panunumpa ang mga napiling bubuo ng kaniyang gabinete ganun din ang mga dating pangulo ng US at kanilang mga asawa.
(Daris Jose)
-
Alas Women wagi sa main draw ng Asian Senior Beach Volleyball championships
HUMATAW ang Alas Pilipinas ng dalawang panalo sa women’s division ng Asian Senior Beach Volleyball Championships pool kahapon sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa. Tinalo nina Pinay bets Khylem Progella at Sofiah Pagara sina Shauna Polley at Olivia MacDonald ng New Zealand, 21-19, 21-18, sa Pool E play ng event […]
-
Alegasyon ni dating DepEd Usec. Mercado, pinalagan ni VP Sara
PINALAGAN at sinagot na ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon sa kanya ni dating DEPED Undersecretary Doctor Gloria Jumamil-Mercado. Sa press briefing sa Office of the Vice President (OVP), mariing itinanggi ni VP Sara ang mga alegasyon ni Mercado at tinukoy ang iba’t ibang bersyon kung bakit pinalayas ito sa DepEd. Ibinunyag […]
-
EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games
LUBOS ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium. Napili kasi ang world […]