Posibilidad na ma-extend ng 4 na buwan si Gen. Marbil bilang hepe ng PNP, pinag-aaralang mabuti ni PBBM
- Published on January 21, 2025
- by Peoples Balita
PINAG-AARALANG mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na ma-extend ng apat na buwan ang panunungkulan ni Gen. Rommel Francisco Marbil bilang chief ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang ambush interview kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio, BGC Fort Bonifacio, Taguig City, araw ng Lunes, Enero 20, sinabi nito na hindi maganda na bigla na lamang papalitan ang hepe ng PNP sa kalagitnaan ng campaign period at nalalapit na election period sa bansa.
“Well, there is a very strong argument that it would be, it would not be good for stability especially to change the chief PNP in the middle of a campaign period and approaching an election period. So pinag aaralan namin, but I think that is probably a very strong argument to keep him on. At the very least, until after the elections,” ayon sa Pangulo.
Sa ulat, nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may mga indikasyon na mapahaba pa ang termino ni Marbil bagamat wala pang opisyal na pahayag mula kay Pangulong Marcos.
Ang nalalapit na midterm elections ang maaaring maging pangunahing dahilan ng extension nito, na posibleng tumagal hanggang Hunyo.
Si Marbil ay itinalagang PNP chief noong April 1, 2024, at nakatakdang magretiro sa February 7, 2025, sa mandatory retirement age na 56. (Daris Jose)
-
BRITNEY SPEARS, engaged na sa longtime boyfriend na si SAM ASGHARI
ENGAGED na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari. Nangyari ang proposal ni Sam pagkatapos magwagi si Britney sa kanyang pinaglalaban na freedom mula sa conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears. Nag-file last week si Jamie ng petition sa korte para maalis na siya bilang […]
-
PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO
MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa P400 bawat kilo sa ilang palengke sa Metro Manila. Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon. Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim […]
-
29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19
TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1. Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.” Nakapagpadala na ang […]