• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posible kayang maging ninang nila ni Cong. Jay?: AIKO, kilig na kilig sa pagdating ni VP SARA sa party niya

KILIG na kilig si Councilor Aiko Melendez sa pagdating sa party niya ng Bise-Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte.

 

 

Nag-fangirling si Aiko dahil idolo niya si Inday Sara na nagpaunlak na dumalo sa Super Sam sa imbitasyon mismo ni Aiko.

 

 

Nag-speech si Inday Sara para kay Aiko ng pagpapasalamat sa pag-iimbita sa kanya at pagsuporta ng aktres at boyfriend na si Zambales 1st District Congressman Jay Khonghun sa kanyang kandidatura nitong nakaraang May 2022 elections.

 

 

Hindi lamang si Aiko kundi maging ang mga bisita niya that night ay aligaga sa pagpapakuha ng litrato kay VP Sara.

 

 

Since close sila, posible kayang mag-ninang si VP Sara sa kasal, kapag nag-propose na si Cong. Jay kay Coun. Aiko?

 

***

 

SINCE magtatapos na sa December 23 ang Start Up-PH, tinanong namin si Jeric Gonzales kung ano ang nararamdaman niya?

 

“Masayang-masaya siyempre, kasi grabe yung mga nakasama ko dito, si Alden, si Bea, si Yasmien, to be a part of this show, parang sobra-sobrang blessing yung dumating sa akin this year, kasi it’s global hit…this franchise na kinuha ng GMA, a Korean adaptation na ginawang Philippine adaptation, masuwerteng-masuwerte ako na mapasama dito.”
Silang apat ang bida sa Start-Up PH; si Jeric bilang Davidson Navarro, si Alden Richards bilang si Tristan Hernandez, si Yasmien Kurdi bilang si Ina Diaz at si Bea Alonzo bilang si Dani Sison.

 

Ano ang pinaka hindi niya makakalimutang eksena?

 

“Hindi ko makakalimutang eksena… siguro mayroong kanya-kanya eh, kasi bawat aktor meron akong mga significant na scenes eh, siguro ano na lang… pinaka hindi ko makakalimutan sa family ko… sa parents ko, kay Kuya Onin tsaka kay Ms. Lovely.”

 

Gumanap na mga magulang niya sa serye sina Niño Muhlach at Lovely Rivero.

 

“Kasi ang ganda nung eksena na umamin na siya na hindi talaga siya magaling, parang ganun, yung pagka-impostor syndrome niya inamin na niya sa magulang niya.

 

“All the while akala ng magulang niya CEO siya, parang siya yung CEO ng kumpanya niya, so yun, memorable yun.”
Ano ang natutunan ni Jeric na mga lessons sa Start-Up PH?

 

 

“Lessons… siguro magpakatotoo ka dun sa nararamdaman mo, yung si Davidson, tinuturuan siya ng magulang niya para… well yung gawin kung ano yung gusto ng mga magulang niya, na siguro dapat sundin kung ano yung nasa puso niya, sundin niya yung mga pangarap niya.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • DOLE naglaan ng P100-M para sa free COVID-19 testing sa mga newly-hired employees

    NAGTALAGA ng nasa Php100 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang programa libreng COVID-19 testing sa mga bagong hire na manggagawa.     Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layunin nito na bawasan ang bigat ng pasanin ng mga kababayan nating newly -hired jobseekers sa iba’t ibang sektor.   […]

  • PBBM, inaasahan sa bagong liderato ng Philippine Airforce na ipagpapatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang “excellence” sa Hukbong Panghimpapawid

    UMAASA  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.     Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.     Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng  bagong liderato […]

  • Get ready to Immerse Yourself in the Captivating universe of ‘Dune: Part Two,’ featuring Timothée Chalamet and Zendaya

    Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures proudly present the new trailer for “Dune: Part Two,” the sequel to the six-time Oscar-winning “Dune” by director Denis Villeneuve.     Promising an enthralling blend of romance and action, this war epic features an ensemble cast of Timothée Chalamet, Zendaya, and more. Mark your calendars for February 28, […]