PRC, nabigong i-report kay PDu30 ang financial status nito
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
NABIGO ang Philippine Red Cross (PRC) sa mandato nito na i-report ang kanilang financial status kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Honorary President ng PRC.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na nais niyang himayin at i-audit ng Commission on Audit (COA) ang government funds na ibinibigay ng pamahalaan sa PRC.
“Para sa kaalaman ng lahat, simula 2016 ay wala pong sinumite ang PRC sa Presidente ng Pilipinas na annual report na naglaman ng kanilang mga gawain at nagpakita ng kanilang financial condition tulad ng pinag-uutos ng RA 10072,” ani Sec.Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na ang requirement na i- report ang financial standing ay nakasaad sa ilalim ng Philippine Red Cross law, na nagsasaad na ang PRC, “at the end of every calendar year, submit to the President of the Philippines an annual report containing its activities and showing its financial condition.”
Bukod pa rito, sinabi ni Sec. Roque na inulit ng COA na mayroon itong limitadong hurisdiksyon na mag-audit ng pondo na natatanggap ng PRC, lalo pa’t ang PRC ay pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Metro Manila mayors at state insurer Philippine Health Insurance Corporation para sa pagbabayad ng RT-PCR COVID-19 tests.
Tinukoy ni Sec. Roque ang Article 9 ng Saligang Batas na nagsaad na ang COA “shall have the power to examine on a post-audit basis all accounts pertaining to the expenditure or uses of funds by such non-governmental entities receiving subsidy or equity, directly or indirectly from or through the government.”
Kamakailan ay hiniling ni Pangulong Duterte sa COA na i-audit nito ang Philippine Red Cross, isang non-government at non-profit agency.
Inakusahan kasi ng Pangulo si PRC Chairman at Chief Executive Officer Senator Richard J. Gordon na ginamit nitong “milking cow” ang organisasyon.
Muli ay binatikos ni Pangulong Duterte si Gordon, nangunguna sa Senate probe sa di umano’y overpriced COVID-19 equipment, sa umano’y paggamit ng senador na sa pondo ng Red Cross para sa pangangampanya.
Mayroong post sa COA website na isa sa responsibilidad ng komisyon ay ang “Examine, audit and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by, or pertaining to, the government.”
Kaya dapat lamang na makita ang record ni Gordon bilang public official para madetermina kung “guilty” ito sa malversation of funds. (Daris Jose)
-
“Furiosa: A Mad Max Saga” to hold World Premiere at the 77th Cannes Film Festival
Nine years after “Mad Max: Fury Road,” the Australian director, screenwriter and producer George Miller’s famous saga is back on the Croisette! The highly anticipated “Furiosa: A Mad Max Saga” will be revealed in the presence of the director and the cast, led by Anya Taylor-Joy, Chris Hemsworth and Tom Burke, on the occasion of […]
-
Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025
MAYROONG HIGIT 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC). Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang Panlalawigan, 149 […]
-
Tugon sa quarantine requirement: Team PH maagang tutulak sa Tokyo
MAAGANG tutulak sa Tok-yo, Japan ang Team Philippines para sumailalim sa quarantine period at health check requirements na kailangan bago sumalang sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9. Ito ang inihayag ni chef de mission Nonong Araneta kahapon kung saan plano nitong ipadala ang pambansang delegasyon dalawang linggo bago […]