• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRC, vindicated vs kuwestyon sa kanilang COVID test results

Ikinagagalak ng Philippine Red Cross (PRC) ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing accurate ang COVID-19 RT-PCR swab tests.

 

 

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng isyu, matapos lumutang na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales.

 

Ayon sa pangulo, tila hindi makatwiran ang paniningil ng mahal para sa hindi naman tiyak na pagsusuri.

 

 

Pero base sa paliwanag ni Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon, hindi lang para sa mga gamit ang sinisingil, kundi pambayad rin sa mga medical technologist at iba pang tauhan na buwis buhay din sa pag-aasikaso ng mga sample.

 

 

Ayon kay Gordon, hindi matatawaran ang papel ng mga gumagawa ng test, dahil tuwing nagtatrabaho ay nalalantad sila sa posibleng impeksyon.

 

 

Kaya naman, sa isang pahayag, sinabi ng PRC na nagpapasalamat sila sa patas na imbestigasyon ng RITM-DOH sa nasabing usapin.

 

 

Patunay lamang umano ito na naging biktima sila ng walang basehang alegasyon, para sirain ang kridibilidad sa harap ng publiko.

 

 

“The PRC has found itself a victim of unsubstantiated allegations in recent months. This is due to damning evidence against involved parties in the awarding of more than Php8.7 billion in contracts for overpriced medical supplies to an undercapitalized company under the Bayanihan to Heal Act. Senator Richard Gordon has been leading the investigation of the Senate Blue Ribbon Committee as its Chairman. Senator Gordon is also the Chairman and CEO of the PRC, under whose watch the humanitarian organization has undergone an intensive modernization program,” saad ng pahayag mula sa PRC. (Daris Jose)

Other News
  • Face mask puwede nang alisin ‘pag mababa sa 200 ang COVID-19

    MAAARI nang tanggalin ng publiko ang pagsusuot ng face mask kung mas mababa na sa 200 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ng Department of ­Science and Technology na kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa susunod na […]

  • PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at  Land Transportation Office (LTO).     Sa katunayan, sa  Facebook post, araw ng Lunes,  inanunsyo ng DOTr  ang pagtatalaga kina  Horatio Enrico Bona bilang  LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang  DOTr Assistant Secretary for Planning and […]

  • Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

    MAAARI ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.     Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.     Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa […]