Preparasyon sa SONA 2023, sinimulan na
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA nang pagpupulong ang Kamara, representante mula sa Office of the Presidential Protocol at Senado para sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos.
Kasama sa tinalakay ang mga plano, pagsasaayos at ideya sa nasabing kaganapan.
Ayon kay HRep Secretary General Reginald Velasco, ang pagtalakay sa mgaplano at ideya ay upang gawing mas memorable at maganda ang SONA ngayon taon.
Inihayag naman ni Chief of Presidential Protocol (COPP) Adelio Angelito Cruz na ipapaabot niya sa pangulo ang mga natalakay na oplano at ideya sa nasabing pagpupulong.
Dala na rin sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga nagnanais dumalo ng pisikal sa sona at limitadong espasyo sa plenaryo, sinabi ni Secretary General Velasco na pinag-usapan at inaprubahan naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatalaga ng mga karagdagang kuwarto sa Batasan Complex para ma-accommodate ang dagdag na bisita.
Sa susunod na pagpupulong ay inaasahan na matatalakay naman ang inisyal na mga ipinatupad na plano ng kamara para sa Sona.
Ang SONA, na gagawing livestreamed, ay nakatakda sa Hulyo 24, 2023 (Lunes). (Ara Romero)
-
Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’. “We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government […]
-
4 NA INDIBIDWAL, INARESTO SA ANTI-KFR AT GUNRUNNING OPERATION
NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikato na responsible sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga Chinese national. Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang naaresto na Chinese national na sina Li Tao Tao at Huang Bao Jian na naaresto […]
-
GAB, nag-post ng mala-thirst trap photo na resulta ng extensive workout; dumaan noon sa mental health breakdown
NAG–POST ng mala-thirst trap na photo si Gab Valenciano na kinainteresan ng maraming netizen sa social media. Nagpakita si Gab ng naging resulta ng kanyang extensive workout mula July hanggang September 2021. Kitang-kita ang six-pack abs niya sa kanyang body transformation. Bahagi raw ito ng kanyang malaking pagbabago para mabalanse niya […]