• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presensiya ng mga OFWs sa Middle East, isang “plus factor” para makapanghikayat ng Arab investors- PBMM

ISANG malaking factor ang malakas na presensiya ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan para makapanghikayat ng mga investors mula sa Arab countries.

 

 

Sa open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na welcome sa Pilipinas ang anumang major capital intensive investment lalo pa’t sinusubukan nitong nakalabas mula sa utang na natamo nito.

 

 

Aniya, kailangan na mabawi ng Southeast Asia ang posisyon na mayroon ito bago ang  COVID-19 pandemic.

 

 

Ang rehiyon ay mayroong  fast-growing economy habang pinapanatili ang basic elements na nagdala sa nasabing punto bago pa mangyari.

 

 

“The workforce is still workforce, still exists. It is up to us as leaders, I think, to be very careful how we direct now the development of the economy because it’s not business as usual. The pandemic changed everything,” ang wika ni Pangulong Marcos.

 

 

“So specific to the Middle Eastern countries, we have very strong relations actually with the Middle Eastern countries,” dagdag na wika ng Pangulo sabay sabing “This is due to the huge numbers of OFWs in the Middle East.”

 

 

“Because in the talks that we’ve had with some of the leaders from the Middle East, the discussion always begins with the overseas Filipino workers,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa ng Punong Ehekutibo na ang kalakalan ay bahagi ng talakayan sa Arab nations katulad ng  pinag-uusapan naman ang panukalang sovereign wealth fund, Maharlika Investment Fund.

 

 

“Some of the examples that we’re looking at are the ones in the Middle East because they have been the ones that have been most successful,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“The connections are there — we just not have — put it in that area. But I’m sure that any opportunities that we will be given… have to take full advantage of,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Health protocol violators, tumaas kasunod ng pagluluwag sa restriksyon sa NCR

    TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa Metro Manila, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.     Ito ay kasunod ng pagbababa sa Alert Level 1 sa buong National Capital Region (NCR).     Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe […]

  • PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating  foreign affairs Secretary  bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.     Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito.     Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns.     Matatandaang, buwan ng […]

  • Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy

    NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang.     Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.   […]