• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presensya ni Toni Nadal sa huling laban ni Eala, isa sa naging inspirasyon ng Pinay tennis star

Nagsilbing isa sa mga pangunahing inspirasyon ni Pinay tennis star Alex Eala sa naging laban kay World No. 2 Iga Swiatek, ang presensiya ng kaniyang dating coach na si Tony Nadal.

Personal kasing nanuod ang batikang tennis coach bilang special guest ni Eala sa kaniyang player box.

Sa panayam kay Eala matapos ang kaniyang panalo kay Swiatek, sinabi niyang malaking inspirasyon sa kaniya na nanuod ang kilalang coach, kasama ang kaniyang personal coach at mga kakilala.

Bagaman maaga siyang umalis aniya upang habulin ang isang flight, ang naging presensiya ni Coach Nadal sa simula ng laban ay nagpapakita aniya sa confidence ng batikang coach sa kaniya bilang isang tennis player.

Aminado naman ang Pinay tennis star na hindi naging madali ang kaniyang laban dahil dalawa sa kaniyang hinarap ay kapwa mga Grand Slam champ.

Gayonpaman, ang hindi pagkatakot na magpatuloy aniya ang nagtulak sa kaniya upang umabanse sa kabila ng mga missed shots habang nasa kasagsagan ng laban.

Si Eala ay graduate ng Rafa Nadal Academy at si Toni ang nagsisilbing ambassador ng naturang akademiya.

Siya ay tiyuhin ng 22-grand slam champion na si Rafael Nadal at nagsilbing pangunahin niyang coach at trainer.

Maliban sa makasaysayang panalo ni Eala kay Swiatek, naungkat din ang larawan ng dalawa sa Rafa Academy graduation ni Eala kung saan sina Rafael Nadal at Swiatek ang mismong nag-abot sa certificate ni Eala.

Other News
  • Harden nagtala ng panibagong record sa NBA

    Napabilang na si James Harden sa tanging NBA player na mayroong 3,000 career 3-points.       Dahil ito ay kasama na siya sa listahan na pinangungunahan ni Golden State Warriors star Stephen Curry.     Nakuha ni Harden ang nasabing record sa panalo ng Los Angeles Clippers 126-122 laban sa Denver Nuggets.     […]

  • Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme

    NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.     Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]

  • 12 sundalo ng US kasama sa 60 patay sa Kabul Airport bombing

    Kinumpirma ng Pentagon na 12 sundalo nila ang nasawi sa pagsabog sa Kabul Airport sa Afghanistan.     Sinabi ni Gen. Kenneth “Frank” McKenzie, namumuno sa US Central Command, kabilang sa nasawi ang 11 marines at isang Navy Medics.     Mayroong 15 mga sundalo din nila ang nasagutan na dinala na sa pagamutan.   […]