• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos

LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.

 

 

Samantala, nilinaw ni Domagoso na hindi niya nais makasakit ng damdamin ng mga kababayang Filipino-Chinese community sa kanyang nasambit laban sa China at sa pagsakop nito sa Philippine waters.

 

 

Aniya, ang kanyang pangungusap ay nakatuon lamang sa mga “mainlanders.”

 

 

Umani nang pagbatikos ang standard-bearer ng Aksyon Demokratiko at naparatangan ng pagiging racist sa mga Tsino nang kanyang pagbantaan na papaalisin sila sa bansa.

 

 

“I’m pertaining to Chinese mainlanders, the ones occupying our islands. And I don’t care. I don’t sugarcoat. Those navy, those fishermen from China, continue to occupy our space. We need not sugarcoat our words,” sambit ni Domagoso.

 

 

Aniya, siya ay naniniwala na ang Filipino-Chinese community na naninirahan sa bansang Pilipinas ay naliliwanagan na hindi sila ang kanyang tinutukoy at  nauunawaan ang kanyang pananaw sa isyu ng pagsakop sa West Philippine Sea. (Rio Nolasco)

Other News
  • Ads May 18, 2021

  • Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya

    ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior.     Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill  4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o […]

  • Kahilingan na ipagpaliban ang SSS rate hike, pag-aaralan ng Malakanyang

    PAG-AARALAN ng Malakanyang ang naging panawagan at kahilingan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers.   “Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban […]