• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Press conference nina British boxer Chris Eubank at Conor Benn naging tensyonado

NAGKAINITAN ang ginanap na presscon ng boksingerong sina Chris Eubank Jr at Conor Benn.

Sa ginanap na press con sa Manchester ay bigla na lamang pinalo ni Eubank si Benn ng itlog habang sila ay magkaharap.

Ang nasabing laban ay naisagawa na sana noong 2022 subalit lumabas na nagpositibo ang 28-anyos na si Benn ng ipinagbabawal ng substance na clomifenekaya ito ay pinatawan ng ban.

Taong 2023 ng ilabas ng WBC ang finding at lumabas na dahil sa labis na pagkain ni Benn ng itlog ang dahilan.

Gaganapin ang paghaharap nina Benn at 35-anyos na si Eubank Jr sa darating na Abril 26 sa Tottenham Hotspur Stadium.

Mayroong 32 panalo, dalawang talo na 23 knockouts si Eubank Jr habang si Benn ay mayroong 20 panalo, walang talo at 13 knockouts.

Noong 1990 ng magkaharap ang kanilang mga ama na sina Chris Eubank Sr at Nigel Benn.

Nagwagi si Eubank Sr noong 1990 habang naging draw ang ikalawang laban nila noong 1993.

Other News
  • Tinaguriang kanang kamay ni Pope Francis nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin.     Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyal ng Vatican.     Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit.   […]

  • Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid

    Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]

  • 25 call center agents, nag-positibo sa COVID-19 matapos ang beach party sa Subic

    Iimbestigahan pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung may nalabag na health protocols sa loob ng Subic Freeport dahil dito lamang ang jurisdiction ng SBMA.   May kaugnayan ito sa 25 empleyado ng isang business outsourcing company (BPO) na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang isinagawang beach at pool party sa Subic.   Ayon […]