• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI

NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan. 
Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng  price guide.
Gayunman, may ilang manufacturers  ang nagpalabas ng  advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40.
“Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para din naman number 1, kung pwede itemper yung increase kung possible pa po yun. Yung submitted sa amin walang lumampas ng P50. Meron pa ngang may decrease,” ayon kay Ann Claire Cabochon, officer-in-charge of DTI Consumer Protection Group.
Sinasabing ang presyo ng ham sa Quiapo ay tumaas bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga ingredients at raw materials.
Sa ulat, may nagsasabing tumaas kasi ang asukal, mga ginagamit sa paggawa ng ham at plastic kaya tumaas ang presyo ng ham.
Napaulat din na ang  presyo ng  Chinese ham ngayon ay tumaas ng  P1,640 mula sa  P1,540 noong nakaraang taon habang ang  scrap ham ay tumaas din ng P1,560 mula P1,520 noong nakaraang taon.
Sa kabilang dako, napaulat na rin na ang presyo ng American ham lalo na sa  Trabaho market ay tumaas ng P220 mula sa  P200 kada kilo.
Ang ng cream ay tumaas ng P8 hanggang P15 habang ang salad at elbow macaroni ay tumaas ng P4 hanggang P27.
Ang kasalukuyang presyo naman ng puting asukal sa Kalakhang Maynila ay nananatili sa P106 sa grocery at supermarket,  habang P100 sa mga palengke. (Daris Jose)
Other News
  • Koleksyon sa MRT 3 fare hindi aabot sa projections

    INAASAHAN ng Department of Transportation (DOTr) na hindi aabot ang koleksyon sa pamasahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa mga bayarin kung kaya’t hindi nito mababayaran ang kanilang financial obligations sa operator ng MRT sa ilalim ng build-lease-transfer (BLT) concession agreement nito.   “With regard to the BLT agreement, the government will […]

  • Dahil mas nag-grow bilang aktres nang maghiwalay: THEA, nagpapasalamat pa sa ex-boyfriend na si MIKOY

    NAGPAPASALAMAT si Thea Tolentino sa ex-boyfriend na si Mikoy Morales dahil mas nag-grow pa raw siya bilang aktres noong maghiwalay sila.       “Nag-break kami because na-feel ko na I can grow more as a person, but not together,” sey ni Thea sa pag-guest niya sa programang ‘Lutong Bahay’ sa GTV.     Ayon […]

  • ‘Inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. gagawin sa National Museum’

    SA MAKASAYSAYANG National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022.     Dating kilala bilang Old Legislative Building, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating pangulo noon gaya nina Manuel L. Quezon […]