• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng karneng baboy sa merkado sa Metro Manila, hindi pa gaanong apektado ng ASF

HINDI pa gaanong ramdam ang epekto ng African Swine Fever sa presyo at supply ng karneng baboy dito sa bahagi ng Pasay Public Market.

 

 

Sa katunayan ay bahagyang bumaba pa ang presyo nito kumpara noong nakaraang buwan.

 

 

Ngunit kung mapapansin, nasa limangput apat na probinsya na ang apektado ng African Swine Fever, mahigit kalahati na ng mga probinsya sa buong bansa.

 

 

Kaya naman inaasahan na ninipis ang supply ng karneng baboy sa mga pamilihan.

 

 

Ayon sa mga tindero dito sa bahagi ng Pasay Public Market ay hindi pa naman gaanong ramdam ang epekto nitong African Swine Fever.

 

 

Samantala, ang presyo naman ng mga imported na baboy ay higit na mas mababa kumpara sa fresh na karne dito sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta

    Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron va­riant kaysa sa Delta va­riant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa.     Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa […]

  • DINGDONG, nasorpresa at kanyang team sa ginawang pagbati ni STEVE HARVEY

    NASOPRESA ang Family Feud Philippines host na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang kanyang game show team nang batiin sila ng American host ng US version nito, na si Steve Harvey.     “Mabuhay Philippines, this is Steve Harvey. Look, I wanna congratulate Family Feud Philippines on GMA Network. Family Feud is now […]

  • Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa

    KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.     Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]