Presyo ng petrolyo muling sumirit
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa nareresolbang banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, at Seaoil simula alas-6:00 ng umaga ng Marso 29, habang ang Cleanfuel sa parehong dagdag na presyo ang iiral alas- 8:01 ng umaga, araw din ng Martes.
Nasa P9.40 naman sa kada litro ng kerosene ang ipatutupad ng Shell at Seaoil habang ang PetroGazz at Cleanfuel ay walang produktong kerosene.
Inaasahan ding susunod na magpapalabas ng advisory sa kaparehong price increase ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.
Nabatid na noong nakalipas na linggo nang isaalang-alang ng European Union ang pagbabawal sa pag-importa ng langis at gas ng Russia, dahil sa mas mataas na presyo. (Daris Jose)