Pribadong sasakyan kailangan pa rin na magsumite ng certificate mula sa emission centers
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
KAILANGAN pa ring magsumite ng mga private vehicles ng certificate mula sa emission centers o Private Motor Vehicle Inspection para irehistro ang kanilang sasakyan.
Ang paglilinaw ay inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo oa Duterte na huwag gawing mandatory ang MVIS na ang ibig sabihin aniya ay kinakailangan na walang bagong singil, walang karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.
“Ito po ang naging desisyon ng Presidente kung saan ay binalanse ng Pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nakakaranas ng hirap.. hindi lamang po dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil nga po sa covid 19 at African Swine Flu (ASF),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang mabuting balita aniya ngayon, alinsunod sa naging kautusan ng Chief Executive ay ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.00
“For 600 pesos, habang panahon ng pandemiya, ang inyong sasakyan po will be subject to 73 road worthy inspection check,” ani Sec. Roque.
“Alinsunod sa panawagan ng ating Presidente, ang mga may ari ng private motor vehcile inspection centers na nagsabi na kapareho lamang ang sisingilin nila na 600 peros kapareho po yan ng mga emission test centers bagamat ang serbisyo na ibibigay nila ay 73 road-worthy inspection check points. Ganito po ngayon yan. Dalawa po yang pupuwede ninyong isumute, yung emission na dati na po yan or MVIS. hindi pupuwede na wala ang pareho. Pero dahil sa panawagan ng Presidente, hindi po magtataas ng presyo ang MVIS, kapareho lang po ng sinisingil ng mag emission centers na 600 pesos. kaya nga nagpasalamat tayo dahil habang may pandemiya eh nakaisa naman po yung mga may ari ng private motor vehicle inspection centers at hindi sila magsisingil ng karagdagang kung ikukumpira doon sa emission testing centers,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
LTO enforcer na sinagasaan ng SUV, binigyan ng pagkilala
PINAPURIHAN ng Land of Transportation Office (LTO) ang Field Enforcement Division, Law Enforcement Service na si Butch S. Sebastian dahil sa tapat niyang paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang isang Law Enforcer Officer. Personal na iniabot ni LTO Assistant Secretary Atty Teofilo Guadiz III kay Sebastian ang Certificate of Commendation na ginanap sa LTO […]
-
SIM Registration Act magiging epektibo na sa Disyembre 27
MAGIGING epektibo na sa Disyembre 27 ang SIM Registration Act. Kasunod ito ng pagpapalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ng implementing rules para sa nasabing usapin. Nakasaad sa nasabing panuntunan na nirerequire ang lahat ng mga mobile subscriber na i-enroll ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o anim […]
-
Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round
NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans. Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha […]