PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival.
Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT.
Sabi naman ni Rod Singh, ang syang lead program director ng pride festival, sisikapin nilang panatilihin ang dating format ng kanilang selebrasyon subalit mas malaki at mas magarbo ngayong taon.
Dagdag pa ni Singh, nagpapasalamat sila sa suportang ibinibigay ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pride festival.
Ayon naman kay Belmonte, buo ang suporta ng pamahalaang lokal sa usapin ng Gender and Development dahil aniya mataas ang kanyang respeto sa karapatang pantao at kanilang isinusulong ang inclusivity at diversity sa lungsod. (PAUL JOHN REYES)
-
Possible Appearance of Hulk Has Been Rumored For ‘Deadpool & Wolverine’
IT is worth noting that an appearance from Mark Ruffalo’s Bruce Banner/Hulk has been rumored and possibly teased for quite some time. The first potential clue came from Netflix’s The Adam Project in 2022 which starred both Ruffalo and Ryan Reynolds, while also being directed by Deadpool & Wolverine’s director Shawn Levy. […]
-
Gobyerno, hindi gumastos ng public funds sa fashion show sa Malakanyang
WALANG ‘public funds’ na ginamit sa fashion show sa Malakanyang. Umani kasi ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa netizens ang fashion show ng designer na si Michael Leyva na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex, dahil sa sinasabing tila pinag-aksayahan ng pera ang nasabing fashion show. “The government does not […]
-
BIR, dapat na habulin ang lahat ng hindi nagbabayad- Andanar
SINABI ng Malakanyang na dapat lamang na habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng tao na hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa gitna ng usapin hinggil sa P203-billion estate tax debt case ng pamilya Marcos. Tinanong kasi si acting presidential spokesperson Martin Andanar kung may nakikitang ‘sense of urgency’ ang […]