• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.

 

 

Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”

 

 

Sa “Open 24/7” Vic is Boss EZ who’s in charge of a convenience store at lahat ng cast ay mga crazy Gen-Z crew ng store.

 

 

Maja Salvador is a funny and “kikay” girl, Jose Manalo is Spark, Boss EZ’s brother; Sparkle Sweethearts Sofia Pablo and Allen Ansay as Kitty and Al, Sparkle artists Riel Lomadilla as Bekbek, Anjay Anson as Andoy, Kimson Tan as Kokoy, Abed Green as Fred and Bruce Roeland as Doe.

 

 

During the mediacon, parang hindi pa rin makapaniwala ang mga Sparkle stars na they will be working with Vic Sotto.

 

 

Iisa raw ang tanong nila, “kung totoong makakatrabaho po namin si Bossing Vic Sotto, at si Sir Jose Manalo?”

 

 

Since magsisimula na silang mag-taping, sigurado raw ang saya-saya nila sa set.

 

 

Si JR Reyes ang magdidirek ng “Open 24/7” at magsisimula na silang mapanood simula sa Saturday, May 27, after “Magpakailanman” sa GMA-7.

 

 

Isang member of the press ang nag-try magtanong kay Vic tungkol sa issue sa “Eat Bulaga,” at medyo nahirapan din si Vic na hindi mag-comment sa tanong kung totoong nabayaran na ng TAPE, Inc. ang ilang milyong utang sa kanyang talent fee, joke ba iyong sagot niyang ‘bayad’ na siya?

 

 

“It’s not a joke, secret!”

 

 

“Hindi naman pera ang usapan dito, kundi prinsipyo. Sanay na kami, ang TVJ, simula pa lamang na halos hindi kami kumikita.

 

 

“Hindi ako ganoon, kung mababayaran ako, eh di well and good. Kung hindi naman, eh di ayos lang.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

    HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.     Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.     Napaulat na […]

  • ‘Wag palampasin ang finale ng ‘Royal Blood’: DINGDONG, nagbigay-pugay sa napakahusay na pagganap ni TIRSO

    ANG biggest murder mystery sa primetime TV ay magtatapos na sa high-rating primetime series ng GMA Network na “Royal Blood.”     Matapos ang isang mahaba at mahirap na paghahanap para sa mamamatay-tao, sa wakas ay lumabas ang sikreto—pinatay ni Margaret si Gustavo! Pero marami pa ring twists and turns na dapat i-unveil.     […]

  • RESTOS PWEDE NANG MAG-OPERATE LAGPAS SA CURFEW

    PINAYAGAN na sa Navotas city ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.   Sa ilalim ng Executive Order No. 044 ay  pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at […]