• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM (PMVIS) at CHILD RESTRAIN SYSTEM – para ba talaga sa kaligtasan o para lang sa bulsa ng iilan?

Bubusisiin ng Kongreso and dalawang kontrobersyal na hakbang na para raw sa kaligtasan ng mga motorista. Salamat at napakinggan ng ating mga mambabatas ang panawagan na suspindihin ang implementasyon ng Child Restraint System (CRS) at Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS). Nanawagan din ang Pangulo mismo na huwag muna ipatupad ang Child Safety in motor vehicles Act na nilagdaan niya noon.  Ang dahilan hindi napapanahon ang mga ito ngayong may pandemya dahil nga dagdag gastos pa ito para sa tao.

 

 

Kasi nga naman, wala na bang ibang paraan para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero kundi ang pag-gastusin sila?

 

 

Una, ang issue ng Child Restraint System – Meron na raw sa ibang bansa kaya dapat magkaroon na rin dito. Pero talaga bang child restraint system LANG ANG PINAKAEPEKTIBONG PARAAN para masiguro ang kaligtasan ng mga bata? Wala na bang ibang paraan? Naniniwala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na KAHIT WALANG CHILD RESTRAINT SYSTEM NA LIBU-LIBO ANG HALAGA AY MAARING MAGING LIGTAS ANG BYAHE NG MGA BATA. NEGOSYO LAMANG YAN SA NGALAN NG KALIGTASAN!

 

 

300 percent kaagad ang tinaas ng benta ng mga car seats para sa CRS sa mga sa unang araw pa lang ng pagpahayag ng implementasyon ng pag CRS.  Pero di ba at may seat belt at child lock naman sa mga sasakyan? Di ba’t pwede naman na may bantay ang mga bata sa loob ng sasakyan? Maraming paraan ng hindi na kailangan pagkagastusan.

 

 

Ngayon kung gusto ng magulang ang Child Restraint System ay walang problema na bumili siya. Pero para isabatas ang pagbili nito ay ibang usapan na.

 

 

Paano sa public transport?  Sabi ng isang opisyal – pag sasakay ng taxi at may kasamang bata magdala ng sariling CRS. Eh paano kung tatlo anak mo mabubuhat mo pa ba ang tatlong CRS? At sa mga school service na puro bata ang sakay. Ilang CRS ang bibilhin ng school service provider? Sa tricycle? Sa jeep? Sa bus? MALAKING NEGOSYO NGA ITO SA NGALAN NG KALIGTASAN.

 

 

Sa issue naman ng PMVIS centers – Bakit kinakailangan ipasa sa mga negosyanteng pulitiko ang pag inspect ng mga sasakyan? Mas mahal ang singil dahil kailangang bawiin ang puhunan. Hindi ba kaya ng LTO ang trabahong ito? Di ba at may P800 million pesos na inilaan ang Road Board para ipaayos ang mga Public Motor Vehicle Inspection system ng LTO? Bakit nagbago ang isip ng LTO? Dahil kamo sa korapsyon – at dahil hindi nyo kaya sugpuin ang korapsyon sa mga inspections ay ipapasa nyo sa pribadong negosyante at gagastos ng malaki ang mga motorista?

 

 

Kung talagang ang nais ng mga nagsulong ng MVIS ay roadworthiness ng mga sasakyan, ito ang hamon ng LCSP – Gamitin ang P800 million pesos para i-upgrade ang public MVIS para mas mababa ang singil sa inspeksyon at hayaan ang mga motorista na pumili kung saan sila magpapa-inspect ng sasakyan. Kung sa PRIVATE MVIS na mataas sumingil o sa PUBLIC MVIS para ang mga jeepney driver, tricycle drivers, motorcycle riders at mga TNVS drivers ay may pagpipilian sa inspeksyon.

 

 

Parang sa paaralan lang – may public at may private, ang tao ang pipili base sa kakayahan nilang magbayad. Hindi tulad ng gusto ng DOTr ngayon  na sa mga PMVIS lang gusto idaan ang mga vehicle inspection.

 

 

Sana may mambabatas na magsulong ng Public MVIS at pag may mga tumutol – alam na.

 

 

Alam na natin na ayaw lang nila na may kakumpetensya ang mga alagang PMVIS. (ATTY. ARIEL INTON)

Other News
  • Pinoy boxer Carlo Paalam, balik-ensayo na

    SINIMULAN na ni Pinoy Olympian boxer Carlo Paalam ang kaniyang training.     Sa mga larawan na ibinahagi nito sa social media ay makikitang nagsagawa ito ng cardio exercise sa sinilngang bayan nitong Cagayan de Oro City.     May caption pa ito na tapos na ang kaniyang bakasyon at balik na ulit ito sa […]

  • Inaabangang movie version ng pumatok na BL series nina Kokoy at Elijah, malapit nang mapanood

    FOR sure nag-trending ang ‘World Gameboys Day’ noong Sabado kung saan ipinagdiwang ng mga fans ng Gameboys ang unang anniversary ng first Pinoy BL series na pumatok sa mga tao.     Siyempre kasamang nag-celebrate ng mga fans all over the world ang cast ng Gameboys namely Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Adriana So, Kyle […]

  • Mapapa-LSS at marami ang makaka-relate sa movie: REY, walang tinago at punum-puno ng kulay at drama ang buhay

    TUNAY ngang punum-puno ng kulay at drama ang pinagdaanang buhay ng OPM hitmaker at award-winning composer na si Rey Valera sa biopic na dinirek ni Joven Tan, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).”     Ito ang official entry ng Saranggola Media sa first Summer Metro Manila Film Festival […]