Private, national government at LGU-hospitals, nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na mayroong mga unpaid Covid-19 claims, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami sa mga private, national government at LGU-hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus.
Ito aniya ang isa sa mga naging kritical na basehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para mag rekomenda na mag luwag ng kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR Plus.
Ang mga commitment mula sa mga pribadong at pampublikong ospital ay 104 hospitals sa NCR Plus “as of 11 am, april 11, 2021” ay ang mga sumusunod: additional 164 critical ICU beds at 1,157 Covid-19 regular beds for moderate and severe.
Ang iba pang dagdag na capacity na handa na ay mga sumusunod:
-110 beds sa Quezon Institute para sa moderate and sever Covid-19
-960 beds sa National Center for Mental Health para sa moderate Covid-19
-330 beds sa Manila Times College sa Subic para sa mild and asymptomatic
-165 beds sa New Clark City Tarlac para sa mild and asymptomatic
-200 beds, Eva Macapagal Terminal in Maynila, mild and asymptomatic; and
-100 beds sa Orion Bataan Pork Terminal para sa mild and symptomatic
“Eto naman po ang sumatotal na nadagdag na healthcare capacity habang tayo ay nasa ECQ: Covid ICU beds, 164; Covid regular beds for moderate and severe, 2,227; and Covid isolation beds, 765 (mild and asymptomatic). Ang sumatotal po ay 3,156 beds in NCR Plus,” ayon kay Sec. Roque.
Nagpakita naman ng table si Sec.Roque kug saan makikita ang utilization rate kasama na ang mga bagong kama.
“Makikita niyo po sa Covid ICU beds, ang ating utilization rate ngayon ay 74.34 percent; anga ting Covid ward beds ay 46.04 percent; at ang covid isolation beds ay 59.56 (percent),” ang pahayag nito.
Samantala, inulit ni Sec. Roque na ang inaprubahan ng Pangulo na rekomendasyon ng IATF ay isailalim sa MECQ ang NCR Plus na magtatanggal hanggang katapusan ng Abril.
“Yan lang po sa ngayon at bukas po sa ating regular briefing, paguusapan natin muli ang pagkakaiba ng ECQ at ang MECQ. Magandang hapon po sa lahat at enjoy your Sunday,’ ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
John Wall ipinagmalaki ang maitutulong sa bagong team niya na Los Angeles Clippers
IPINAGMALAKI ng veteran na si John Wall na malaki ang maitutulong niya sa kakulangan ng Los Angeles Clippers lalo na sa pagiging point guard. Una nang pumirma si Wall ng 2-year contract sa halagang $13.2 million deal. Inaasahang babandera sa bagong season ng NBA ang Clippers lalo na at babalik na […]
-
[NOBELA] DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 36) Story by Geraldine Monzon
KAPWA nabuhay ang pag-asa sa mga puso nina Angela, Bernard at Andrea nang matagpuan nila ang dalaga sa harap ng dati nilang tahanan. Agad silang nagpa-DNA upang makasiguro sa katotohanang inaasam nila. Nang maiabot na ng doktor ang resulta ng DNA test ay agad binasa ni Angela ang hulihang bahagi nito. Natigilan siya at […]
-
Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan. Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016. “Ang timeline ko rito mga six months […]