• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRIVATE, PUBLIC CEMETERY AT KOLUMBARYO, SARADO SA OCT 29-NOV 3

UPANG maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw, isasara ang mga  pribado at pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Maynila simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

 

 

Sa nilagdaang Executive Order No. 33 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakasaad na kabilang sa mga isasarang sementeryo ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery.

 

 

Pansamantala rin isasara sa publiko ang mga kolumbaryo ngayong darating na panahon ng Undas.

 

 

Layon ng nasabing kautusan na maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo sa kani-kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

 

 

Sa nasabing kautosan , ang libing at cremation ay papayagan naman sa nasabing mga petsa ngunit kailangan ay walang kaugnayan sa Covid-19.

 

 

Kailangan ding tumalima sa umiiral na minimum health protocols partikular na ang social distancing.

 

 

“The Directors of the Manila Cemeteries, with the assistance of the Manila Police District, the Manila Health Department, the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, and the Department of Public Services are directed to ensure compliance and implementation of this Order,” saad sa nasabing kautusan.

 

 

Babala naman ng alkalde na maaring matanggalan ng mayor at bussiness permit ang hindi makasusunod sa nasabing EO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” DEBUTS OFFICIAL TRAILER

    HE’S a superhero, whether he likes it or not.     Watch the official trailer for “Blue Beetle,” the latest superhero movie from DC and Warner Bros. Pictures. Xolo Maridueña (“Cobra Kai”) plays the titular superhero. Exclusively in cinemas across the Philippines starting August 16.   YouTube: https://youtu.be/4smbJ1NQEmw   Facebook: https://fb.watch/jGHOV_3TFN/   About “Blue Beetle” […]

  • Simula Oktubre 1: Lanao del Sur, isinailalim sa MECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ

    INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubren 31, 2020.   Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1.   Matatandaang, inilagay ng mga […]

  • Wrestling star Jay Briscoe pumanaw sa edad 38

    Namatay ang American wrestling star na si Jay Briscoe noong Martes, Enero 17 (Miyerkules, Enero 18, oras sa Maynila) kasunod ng isang aksidente sa sasakyan isang linggo bago ang kanyang ika-39 na kaarawan.     Inihayag ng lahat ng Elite Wrestling founder at chief executive officer na si Tony Khan ang pagkamatay ng icon ng […]