• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.

 

 

Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang iapela sa pangulong BBM ang suspensyon ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) noong 2014 kung saan nagpapataw ng 1 milyong multa laban sa PUV drivers at operators na iligal na nag ooperate.

 

 

Binigyang diin ni Martin na hindi dumaan sa kosultasyon ang naturang polisiya at hindi na rin kailangan ng dahilan sa mayroon ng karampatang probisyon ang Philippine Traffic Code o Republic Act (RA) 4136 patungkol sa mga pagpataw ng singil at penalties laban sa traffic violations.

 

 

Binatikos naman ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) National President Orlando Marquez ang ksalukuyang foreign IT platform na Land Transportation Management System (LTMS) sa mga kapalpakan at hndi maayos na interconnection sa pagitan ng LTO at LTFRB na nagdudulot ng problema sa vehicle registration at posibleng pagsimulan ng katiwalian.

 

 

Aniya, ang non-connection sa pagitan ng LTMS sa LTFRB ay nagpapahirap sa LTO para marebisa and validity ng franchise na isinusumite ng PUVs kayat lumalaganap ang colorum sa bansa.

 

 

Hiling din ng grupo kay Pangulong Marcos na imandato sa local government units (LGUs) na limitahan ang operasyon ng electric tricycles (e-trikes) partikular sa mga nag ooperate ng walang permit o prangkisa.

 

 

Kasunod nito, nagpahayag ng pagsuporta ang mga transport leaders sa panukala ni Deputy Speaker Gloria Macapagal -Arroyo na naglalayong magkaroon ng public road transport modernization development fund.

 

 

Sakaling mapagtibay ang panukala, malaking tulong ito para magkaroon ng source of funds para sa PUV Modernization program na magpapahusay sa kasalukuyang kondisyon ng public transport workers sa pamamagitan ng insurance protection at housing projects at iba pa.

 

 

Kasama rin sa mga transport groups na sumusuporta sa mga panawagan ay ang Pasang-Masda, LTOP, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), UV-EXPRESS, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Stop & Go, Taxi National Org. Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) at Private Bus Operators Association (PBOA). (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office

    MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.     Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.     Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference […]

  • Pacquiao talo kay Ugas via unanimous decision

    Napanatili ni Yordenis Ugas ang kaniyang WBA “super” welterweight belt matapos na talunin si Manny Pacquiao.     Pinaburan ng tatlong judges ang Cuban boxer para makuha ang unanimous decision 115-113, 116-112, 116-112.     to na ang pang-27 na panalo ni Ugas habang pang walong talo naman ng fighting senator na mayroong 62 panalo, […]

  • MORISETTE, nag-iisang choice para i-revive ang iconic song na ‘Shine’ na pinasikat ni REGINE

    KASABAY ng celebration ng 10th year niya sa showbiz ni Morisette ay ang silver anniversary naman ng awiting “Shine” na composition ni Trina Belamide na second prize winner sa Metropop in 1996.     Si Mori ang napili nina Trina at Jonathan Manalo, creative manager ng Star Music, para mag-record ng bagong version ng “Shine” for […]